Press "Enter" to skip to content

Senior Citizen Na Nakapila Para Sa Cash Aid Ng Gobyerno, Namatay!

Manila, Philippines – Binawian ng buhay ang isang 62 anyos na lalaki mula sa bayan ng Lias, Marilao Bulacan habang ito ay naka pila para sa cash aid assistance ng gobyerno.

Pagpunta sa barangay hall

Kinilala ang biktima na si Lolo Sonny Candelara na pumunta sa baranggay hall para mag tanong kung bakit hangang ngayon ay wala pa siyang natatangga na ayuda mula sa lokal na pamahalaan.

Senior Citizen Na Nakapila Para Sa Cash Aid Ng Gobyerno, Namatay! 2
Photo credits: Marilao Gov

Batay sa salaysay ng kaniyang anak, nauna silang inabisuhan na magiging house to house na lamang ang bigayan ng papel para sa nasabing pamamahagi ng ayuda. Dagdag pa niya, minabuti daw ng kaniyang Tatay na na tumungo na lamang sa barangggay hall para beripikahin ang kaniyang pangalan sa listahan.

Ngunit sa di malamang dahilan, bigla na lamang natumba ang senior citizen habang naka pila. Pinabluan naman ng Kagawad ng Baranggay na si Vandolf Mateo na siyang sumaklolo kay tatay matapos itong matumba habang naka pila.

Ayon sa pahayag ni Mateo, nakasambit pa daw ang matanda ng,

“Naku, hindi ko magalaw kaliwa ko… na dale yata ako!”

Pagsaklolo sa insidente

Alerto namang umaksyon kaagad ang mga opisyales ng baranggay at dinala ito sa pinaka malapit na hospital. Ngunit ito ay di na umabot ng buhay at pumanaw na.

Ayon umano sa mga naksaksi, baka tumaas ang blood pressure ni Lolo bungad ng sobrang init ng panahon habang naka pila sa labas ng baranggay hall.

Paliwanag ng Kapitan sa Barangay

Ikinalungkot ng Barangay Lias ang nangyari kay Candelara, pero nanindigan sila na na hindi umano nila pinapila ang matanda.

Senior Citizen Na Nakapila Para Sa Cash Aid Ng Gobyerno, Namatay! 3
Photo credits: ABS-CBN

Ayon pa sa Brgy Kapitan,

“Nakalista yong anak niya. Ibang nagkan niya naka lista naman po at wala pinipili ang barangay. Ang nangyari po kasi, senior citizen na si Lolo pero pumunta pa siya dito samin. Dapat ho sana ay hindi na siya pumunta pa roon.”

Apila sa burol

Hangad ngayon ng pamilya ni Lolo na maiburol ito lalo’t hindi naman COVID-19 ang kinamatay ng kaanak. Pero ayon sa kawani ng Marilao LGU, inirekomenda nila ang nasabing cremation sa gitna ng banta ng corona virus sa bansa.

Senior Citizen Na Nakapila Para Sa Cash Aid Ng Gobyerno, Namatay! 4
Photo credits: ABS-CBN

Ayon naman kay Josephine Santioago, ang Operations Chief ng Malolos Incident Management Team, na kinukumbinse nila ang mga kaanak na ideretso ng ilibing si Lolo at wag ng pag lamayan pa.

Iginiit naman ng lokal na pamahalaan ang estriktong pagpapatupad sa social distancing. Samantala, iniimbestigahan na rin ang nangyaring insidente at sinisiguado ng LGU na aaksyunan nila ang nangyaring pangyayari para maging maayos ang pamamahagi ng nasabing ayuda.

Source: ABS-CBN

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: