Press "Enter" to skip to content

Senior Na Nawalan Ng Trabaho, Ninakawan Pa At Ngayo’y Palaboy Na Sa Kanto

Manila, Philippines – Nitong nakaraang araw, muli naantig ang puso ng mga netizens matapos manawagan ang isang babae na sana’y matulungan ang matandang nag palaboy laboy na sa kanto matapos itong mawalan ng trabaho at nakawan pa ng kalalakihan.

Viral post

Ayon sa post ni Raeciela Tarusan, kaniyang ipinakilala si Tatay na ngayon ay naninirahan na sa kalsada matapos itong mawalan ng trabaho at nakawan ng mga binatilyo. Natangay sa matanda ang ultimong salapi na ipon nito kasabay na rin ang kaniyang ID.

Senior Na Nawalan Ng Trabaho, Ninakawan Pa At Ngayo'y Palaboy Na Sa Kanto 2

Ani ni Raeciela,

“Magandang Umaga, pahingi lang po ng konting minuto nyo to SHARE this post. Sya po si Tatay SATURNINO SAJOL CREDO, dati po syang Company Driver sa isang kumpanya dito sa Cubao, subalit nawalan po sya ng trabaho dahil daw po senior na sya.”

Dagdag pa ni Raeciela na sa kalsada na lamang naninirahan si Tatay Saturnino dahil umalis ito sa kaniyang inupahang bahay matapos na hindi makabayad ng upa. Kwento pa ng netizen, minsan ay nakikita nita ito sa harap ng kanilang opisina o di kaya naman ay nasa bandang STI ito namamalimos.

Aniya,

“Kaya sa ngaun po sa kalsada lang po sya naninirahan dahil wala na din daw po sya pang bayad sa inuupahan nyang kwarto, minsan po nasa harap sya ng opisina namin and minsan naman po nasa STI Cubao po sya.”

Kwento ng buhay ni Tatang

Ayon pa kay Raeciela, naikwento sa kaniya ng matamda na nanghihingi na lamang ito ng makakain sa mga karenderya sa tabi-tabi kapag siya ay nagugutom. Dagdag pa ng netizen na minsan pa nga ay kaniya itong inabutan ng makakain matapos niya itong makita sa tapat ng kanilang opisina.

Senior Na Nawalan Ng Trabaho, Ninakawan Pa At Ngayo'y Palaboy Na Sa Kanto 3

Nasabi din sa kaniya ni Tatay na ito ay isang LSI at dapat sana’y pauwi ito ng Surigao Del Sur.

Ani nito,

“Minsan naman po inaabutan namin sya dito sa office ng makakain. Isa po sya sa mga LSI na ninanais makauwi sa pamilya nya sa Surigao Del Sur. Taga Mindanao po siya pero sa kasamaang palad ninakaw po siya.”

Dagdag pa niya,

“Tinangay po ang kanyang wallet na may lamang natitirang pera nya, kasama din lahat ng ID nya pati narin po ang kanyang Cellphone. Kaya hindi na po nya nako-contact ang pamilya nya simula ng nag lockdown.”

Panawagan

Nanawagan naman si Raeciela na kung sino man ang nakaka-kilala sa pamilya ni Tatay Saturnino ay kung maari abisuhan ang mga ito sa kasalukuyang kondisyon nito.

Wika niya,

“Kung sino man po ang nakakakilala kay tatay or may nakakakilala sa mga kamag anak nya sa probinsya maari lang po sana ipagbigay alam nyo po eto sa kanila. Batid namin na nag aalala din po ang mga mahal nya sa buhay kung kamusta na po si tatay sa sitwasyon natin ngaun.”

Umaasa naman ito na sa kaniyang pag post sa social media ay maging daan para matulungan ang matanda at makauwi na ito sa kaniyang pamilya sa probinsya. Sa kasalukuyan ay marami na rin nagpaabot ng pagkabahala sa kalagayan ni Tatay Saturnino lalo na’t ito’y may edad na. Marami naman ang nagpa abot ng interes at nais matulungan ang matanda.

Source: Raciela Joy Mancilla Tarusan

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: