Press "Enter" to skip to content

Sheryl Cruz May Bweltada Sa Dating Kaibigan At Sa Mga Bashers

Manila, Philippines – Mariing itinanggi ni Sheryl Cruz ang alegasyon na may outstanding debt o utang pa siya na nagkalahalaga ng PHP100,000 sa kanyang campaign handler sa nakaraang 2019 elections.

Pag tangi

Itinanggi ni Sheryl at sinabing walang katotohanan ang bintang sa kanya ni ‘Alex’ na ipinalabas noon sa Raffy Tulfo In Action.

Sheryl Cruz May Bweltada Sa Dating Kaibigan At Sa Mga Bashers 2

Paliwanag niya sa kanyang Instagram stories noong July 21.

“I have not borrowed any amount from ‘Alex.’ Should she be able to prove clearly and unequivocally that she did incur deficit during my campaign, I would gladly pay the same. I pay my dues.”

Ayon kay Sheryl, ang halaga na sinasabi na binayad sa dance projects at sweldo ng staff ay galing mismo sa campaign funds at hindi galing sa sariling bulsa ni Alex.

Ani nito,

“She was one of my campaign handlers and she held the funds.”

Matatandaan na ipinalabas noong July 14 sa episode ng Raffy Tulfo In Action, ang complainant na nagpakilalang si “Alex,” isang overseas Filipino worker na dating kaibigan ni Sheryl Cruz. Ayon pa kay Alex, naging intimate friends siLa Sheryl ng tumakbo ito sa eleksyon bilang councilor ng District 2 sa Tondo, Manila noong 2019 elections.

Ang pagkaka utang

Ayon kay Alex, kalagitnaan na ng kampanya ng mag backout ang isang “anonymous” donor ni Sheryl dahilan para magka-ipit ipit ito at magipit sa kampanya. Dagdag pa niya, may nabinbing dalawang “dance projects” na nagkakahalaga ng PHP35,000 kada isang dancer.

Sheryl Cruz May Bweltada Sa Dating Kaibigan At Sa Mga Bashers 3

Sinabi din noon ni Alex sa episode ni Idol Raffy na siya na mismo ang nag shoulder ng lahat ng expenses ni Sheryl at umasang babayaran siya nito pag nakaluwag luwag na.

Ani niya,

“Nagtiwala ako dahil “close” at “sweet” siya sakin at parang malapit ang loob namin sa isat-isa.”

Dahil na din sa ayaw niyang magalit yung mga tao kay Sheryl dahil malapit na ang election day, diniresto nila ang nasabing proyekto.

Sheryl Cruz May Bweltada Sa Dating Kaibigan At Sa Mga Bashers 4

Dagdag pa niya,

“Ako po yung nagbayad sa projects, and at the same time, meron pong ilang days na ako na yung nagpapasuweldo sa mga tao na nagwo-work under sa kanya.”

Sambit pa nito,

“Hindi ko alam paano niya nasabi na hindi hiram kasi in the first place, wala naman ako agenda or any political value to give her money through her campaign.”

Ayon pa sa complainant, may screenshots siya ng palitan nila ng mensahe ni Sheryl bilang patunay ng kanilang usapan.

Sambit nito,

“Pero yung way po na sinasabi niya, ‘I need your help. Tulungan mo muna ako. Then I will get back when I have my money. I have screenshots na sinabi niya hindi niya nakakalimutan kung magkano yung nilabas ko or hindi niya nakakalimutan na meron siyang kulang sa akin. And then bit by bit, babayaran niya po as soon as she starts to get work.”

Nangako din daw umano si na mag babayad ito ng PHP5,000 buwan buwan. Ngunit matapos ang masabing eleksyon at natalo ito, pinagpapiban na lamang niya ang paniningil dahil inisip nito na baka depress at di pa naka move on si Sheryl.

Sambit nito,

“After election, she said nade-depress siya kasi she lost. So I gave her time. After that, four to five months, I still tried to contact her. Before nagsabi siya sa akin, by month, she will pay me at least PHP5,000. Pinanghawakan ko po yun, wala naman nangyari.”

Paliwanag ni Sheryl

Sa pagpapatuloy ng Instagram post ni Sheryl nitong July 21, sinabi niyang hindi raw proper forum ang Raffy Tulfo In Action para magharap sila.

Sheryl Cruz May Bweltada Sa Dating Kaibigan At Sa Mga Bashers 5

Sambit nito,

“Also, it saddens me that a radio program becomes a pseudo court that acts like a lawyer, a judge and jury all at the same time without even knowing the other side. An anonymous number called me when the program was already being aired and was expecting me to explain.I was taken by surprise.”

Dagdag pa niya,

“I chose to remain silent because I don’t want to go on that level. I prefer to explain myself before the court if need be because my conscience is clear and truth and fairness will protect me.”

Sheryl Cruz May Bweltada Sa Dating Kaibigan At Sa Mga Bashers 6

Nag bigay din ang aktres ng mensahe sa mga nanglalait naman sa kanya sa social media.

Ani nito,

“To those who have been sending me hate messages and cursing me without even knowing my side of the story, all your messages may be used as evidence of cyber bullying and online harassment.”

Noong July 18, nag post si Sheryl ng quote card saying, na kung sino pa iyong mga di nakakikilala sa isang tao ay siya pang maraming nasasabi rito. Inilagay ni Sheryl ang definition ng “character assassination” na pagkakalat diumano ng malisyoso at walang basehang impormasyon.

Panuorin ang video ng pagsumbong ni alyas “Alex” dito :

Source: Push

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: