Press "Enter" to skip to content

Sigang Buntis Na Nambugbog Ng Pasahero Ng Dyip, Naaresto Na!

Naibalita ngayong araw sa programa ni Idol Raffy ang pagkakahuli sa viral na sigang buntis na nambugbog sa isang dalaga sa jeep.

Arestado na!

Naaresto noong Martes si Cindy Bautista, ang viral na buntis na diumano ay nambugbog sa isang dalaga sa loob ng jeep. Ayon kay P/Cpt. Manuel Calleja ng Jose Abad Santos Police Station ay nahuli si Bautista sa bisa ng warrant of arrest sa kasong qualified theft.

Sigang Buntis Na Nambugbog Ng Pasahero Ng Dyip, Naaresto Na! 1

Anila ay may nag-tip sa kanila na ito ay papuntang city hall ng tanghali ng Martes upang mag-post ng bail sa kasong kasalukuyang hinaharap nito.

Bistado

Ayon kay P/Lt. Col. Annie Mangelen, Station Commander ng Jose Abad Santos PNP, matapos ang ilang linggong surveillance na isinagawa ng kapulisan ay sa wakas, nahuli na din si Cindy Bautista.

Sigang Buntis Na Nambugbog Ng Pasahero Ng Dyip, Naaresto Na! 2

Matagal ding nagtago ang sigang buntis na kung saan ay mapapanood sa isa sa mga video ng Raffy Tulfo In Action ang isinagawang manhunt para mahuli ito.

Nambugbog

Matatandaang sumangguni ang isang dalaga sa programa ni Idol Raffy upang ireklamo ang sigang buntis dahil aniya ay binugbog umano sya nito sa loob ng dyip. Ayon kay Giselle Tangpuz, biktima, ay pinaparatangan sya ni Cindy na siniko niya ang tyan nito. Giit pa nito, maraming kasama si Cindy na syang bumugbog sa dalaga.

Sigang Buntis Na Nambugbog Ng Pasahero Ng Dyip, Naaresto Na! 3

Sampu umano ang mga ito na mga magkakamag-anak. Humarap naman ang isang pasahero na witness na syang pinasinungalingan ang mga maling paratang ni Cindy sa kanyang biktima.

Salbahe

Nakapanayam naman ng mga reporter ni Idol Raffy ang mga kapitbahay ni Cindy at doon ay napatunayang marami itong nakalitaan sa kanilang lugar. Ayon pa sa iba, salbahe ito at eskandalosa.

Sigang Buntis Na Nambugbog Ng Pasahero Ng Dyip, Naaresto Na! 4

May mga residente din na nakakita kung paanong si Cindy at asawa nito ay nilooban ang isang bahay sa kanilang lugar. Maging ang ibang mga kamag-anak nito ay nagsalita ukol sa masamang ugali nito.

Source: Raffy Tulfo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: