Press "Enter" to skip to content

Sikat Na YouTube Vlogger Na Si Lloyd Cafe Cardena, Pumanaw Na

Ginulat ang buong social media ng balitang pumanaw na ang isa sa sikat na YouTube vlogger na si Lloyd Cafe Cardena. Inanunsyo ito sa kanyang mismong Facebook page nitong Biyernes ng hapon, Sepember 4.

Sikat Na YouTube Vlogger Na Si Lloyd Cafe Cardena, Pumanaw Na 2

Pagpanaw ni Lloyd

Ayon sa post, humihingi ng panalangin at privacy ang kanyang pamilya sa pagpanaw ni Lloyd. Tipid ang naging pahayag ng nasabing Facebook page at sa ngayon ay hindi pa nagbibigay ng konkretong detalye ng pagkamatay nito.

Ayon sa post, “It is with a heavy heart and great sadness that we announce the untimely demise of our beloved brother Lloyd Cafe Cardena. May he be remembered for all the joy and laughter he shared with everyone. My family and I ask for your prayers, respect, and privacy during this time.”

Ang malungkot na balita ay kinumpirma din ni Limuel Pena Huet na kilalang malapit kay Lloyd. Ayon sa kanyang post, “Sa lahat po ng nagtatanong at nagse-send ng messages… Opo wala na po si kuya.”

Cardiac arrest

Kahit wala pang detalye ang inilalabas ng pamilya ni Lloyd kumalat ang Twitter ang naging dahilan ng pagkamatay nito. Sa tanong ni @PrincessChechay ay cardiac arrest at COVID-19 ang naging sanhi ng pagkamatay nito. Ito ay ayon umano sa kanyang pinsan na nasa Asian Hospital.

Ayon sa tweet, “Is it true? @LloydCardena is dead? Cardiac arrest and due to covid 19????? I still can’t believe it.. patient siya ng cousin ko sa asian hospital.”

Kabutihan ni Lloyd

Si Lloyd ay sikat bilang matulungin at masayahing vlogger. Sa katunayan ay umabot na ng 5 million ang subscribers nito sa YouTube. Mahilig siyang tumulong sa kanyang mga kapitbahay sa kanilang lugar lalo na noong panahon ng lockdown.

Kailan lang ay nagpatayo na ito ng sariling bahay gamit ang kita nito sa YouTube. Ang bawat detalye ng pagpapagawa nito ay palagi niyang ibinabahagi sa kanyang mga vlog. Wala sa hinagap ng kanyang mga tagahanga na maaga itong papanaw. Kaya naman laking gulat ng lahat ng kumpirmahin ito ng pamilya.

Source: Lloyd Cafe Cadena

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: