Press "Enter" to skip to content

Sikyo Na, Guro Pa! Isang Security Guard Tinuruan Ang Mga Batang Kalye Na Magbasa At Magsulat

Hindi nag-atubiling ang isang security guard sa isang pawnshop na turuan ang mga batang kalye na hindi marunong bumasa’t magsulat, isang ulat nitong Miyerkules.

Walang pinipiling propesyon ang pag-tulong

Hindi man tungkulin ni Renz Abelita, ang security guard, na magturo sa mga batang lansangan na bumasa’t magsulat, ang layunin nitong makatulong sa mga bata ang sa kanya’y nanaig.

Sikyo Na, Guro Pa! Isang Security Guard Tinuruan Ang Mga Batang Kalye Na Magbasa At Magsulat 2
Source: GMA News

Sabi ni Renz,

“Wala naman akong gagawin, wala namang customer. So ang ginagawa ko basic muna. sabi ko, “Sulat niyo pangalan niyo.” Hindi marunong. Pero kapag sabi mo ” Ano’ng panhalan mo?” alam nila. Pero kapag pinapasulat mo, hindi nila alam,”

Matapos nilang malaman na isulat ang kanilang mga pangalan, ang aralin ay dadako sa mga pangunahing kaalaman sa pagbasa at pagsulat.

Maliit na bagay, ngunit kahanga-hanga

Nagsimula si Abelita sa isang bata at ngayon ay nagsisilbi na siyang tutor ng apat na mga bata.

Ang mga bata ay magpipinsan na nakatira malapit sa pawnshop na pinagtatrabahuhan ni Abelita.

Sikyo Na, Guro Pa! Isang Security Guard Tinuruan Ang Mga Batang Kalye Na Magbasa At Magsulat 3
Source: GMA News

Inihahanda niya ang mga plano ng aralin sa gabi at patuloy na pinangangasiwaan ang mga pagsusulit para sa mga bata.

Pahayag niya, araw-araw ay nakakakita siya ng pagbabago mula sa kakayahan ng mga bata.

Edukasyon ay karapatan, kahirapan hindi hadlang

Sinabi rin ni Abelita na minsan niya nang tinanong ang mga bata sa kung bakit sila huminto sa pag-aaral.

Sinabi sa kanya ng mga bata na kailangang nilang tumigil sa pagpasok sa eskwela sa kadahilanang kapos ang kanilang magulang at hindi sapat ang kinikita para sila’y pag-aralin.

Sikyo Na, Guro Pa! Isang Security Guard Tinuruan Ang Mga Batang Kalye Na Magbasa At Magsulat 4
Source: GMA News

Si Archie Tagalog, ang ama ng isa sa mga bata, sinabi na wala siyang oras dahil kailangan niyang ituon ang sarili sa pagtatrabaho upang buhayin ang kanilang pamilya.

Nagpahayag ng pasasalamat si Tagalog sa security guard na gumugol ng oras upang magturo sa mga bata.

Ang kuwentong ito ay hinangaan ng maraming netizens, tanda na ang pagtulong ay walang pinipiling propesyon, basta’t may pagkakataon at kakayahan na tumulong huwag nang palampasin pa.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: