Isang mensahe ang ipinahayag ni Vice President Leni Robredo ukol sa pambansang sitwasyon ngayon dulot ng COVID-19. Ito’y sa pamamagitan ng isang video na kanyang in-upload sa Facebook ngayong Martes.
Para sa awtoridad
Napapaloob dito ang kanyang paghikayat sa mga nasa awtoridad na kung maaari’y maging kalma bagamat maingat sa pagbabantay habang hinaharap ng milyon na Pilipino ang lockdown. Ito’y upang maiwasan na maulit pa ang hindi kanais-nais na mga nangyari nitong buwan.

“Sa unipormadong hanay: Maging mahinahon tayo sa pagpapaalala sa mga patakaran ng social distancing,” ani Robredo sa kanyang taped message.
“Virus ang kalaban natin, at hindi ang ating kapwa Pilipino. Maging makatao sana tayo sa pagpapatupad ng anumang atas o tungkulin,” dagdag pa niya.
Ang mga pangyayari
Kaugnay ito ng lumaganap na video ngayon ng isang pulis na pilit umanong inaresto ang isang foreigner sa kanyang bakuran dahil sa isang quarantine violation.

Kasama rin nito ang isa pang insidente noong nakaraang linggo kung saan namatay ang isang war veteran na may PTSD sa pamamaril ng isang pulis. Ito’y nangyari dahil sa paglabag umano ng sundalo sa QC lockdown.
Mayroon ding ibang officers ang under investigation dahil sa umanoy pag trespass sa isang condominium compound sa Taguig.
Pagkatapos ng lockdown
Marami ang natuwa sa nagbabadyang pagtapos nang home quarantine ngayon April 30. Hati naman ang opinyon ng mga taga Metro Manila at ibang mga high risk na lugar sa kanilang extension hanggang May 15.

Anuman ang iyong palagay sa nangyayari ngayon, mayroong mensahe si VP Leni sa lahat:
“Alam nating hanggang walang bakuna o lunas para sa COVID-19 ay makakaranas tayo ng mga bugso ng pagkalat ng sakit na ito.”
“Patuloy ang ating paghahangad para sa isang malinaw at mas long-term na plano. Hindi dapat nagtatapos sa paglalaan ng budget ang ganito kalaking krisis,” dagdag pa niya.
Maaring panoorin ang nasabing video rito.
Source: ABS-CBN News
Be First to Comment