Press "Enter" to skip to content

Simbahan Ng Quiapo, Muli Ng Binuksan Ang Pintuan Para Sa Mga Deboto

Last updated on June 7, 2020

Sa wakas nitong biyernes muli na naman nagbukas at nagdaos ng misa Ang Basilika Menor ng Itim na Nazareno, na kilala rin bilang Parokya ni San Juan Bautista o sa karamihan Simbahan ng Quiapo makaraang ito ay napasara sa loob ng 2 buwan ng dahil sa enhance community quarantine o ECQ.

Pag apruba ngunit may kondisyon

Alinsunod sa IATF-EID, sa isang general community quarantine tulad sa Metro Manila kung saan mataas ang bilang ng kaso ng coronavirus diseases ay ipatutupad at pagpapanatili hanggang 10 tao sa isang lugar.

Simbahan Ng Quiapo, Muli Ng Binuksan Ang Pintuan Para Sa Mga Deboto 2
Photo Credit: pna.gov.ph

Samantala sa simbahan o sa mga lugar na napapailalim ng maodified GCQ, pumayag ang ahensiya na kalahati kapasidad.

Mensahe ni Fr. Douglas Badong

Sa pahayag ni Quiapo Church parochial vicar Fr. Douglas Badong na magiging bukas ang Simbahan ng Quaipo araw-araw. Ito ay para sa mga taong gustong dumalo ng Pagdiriwang ng Eukaristiya ngunit hindi tulad na ng dati sapagkat ito ay may limitadong kapasidad at ang misa lamang ay mula 5 a.m., 6 a.m., 12:15 p.m., 3 p.m., at  4 p.m.

Ani pa ni Fr,

Yes, they are allowed to attend. Every time there is a mass . Only 10 devotees.

Simbahan Ng Quiapo, Muli Ng Binuksan Ang Pintuan Para Sa Mga Deboto 3
Picture Credit: MSN.com

Nalugod naman at pinuri ni Fr. Badong ang mga mananampalataya sa pagsunod sa alituntunin inilatag ng simbahan. Papayagan din niya ang grupo ng mananampalataya na magdasal tuwing walang misa at iniinganyo din niya ang publiko na dumalo ng online mass.

Wika pa niya,

“Devotees are cooperative. They know how to queue and they have no complaints about the procedures. If there is no Mass, we allow people, batch by batch, who would like to pray inside”

Pananamapalataya

Nandoon man ang pangamba na dulot ng Covid-19 patuloy pa rin ang Simbahan ng Quiapo na buksan muli ang kanilang pintuan upang tanggapin ang mga tao.

Simbahan Ng Quiapo, Muli Ng Binuksan Ang Pintuan Para Sa Mga Deboto 4
Photo Credit: MinorBasilicaOfTheBlackNazarene

Puno man ng takot at pag-aalala, hindi pa rin mawawala ang paniniwala ng mga deboto na sila ay matulungan at mabigyan ng solusyon ang kanilang mga agam-agam sa pamamamagitan ng pananampalataya at tiwala sa Poong Maykapal.

Source: pna.gov.ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: