Press "Enter" to skip to content

Sinadyang Itago?: Unang Bahagi Ng Video Na Pamamaril Ng Mga Pulis Sa Mga Sundalo, Bakit Nawawala?

Ipinagtataka ni Col. Ramon Zagala Kung bakit lumutang ang video kung saan makikita ang ang ginawang paglabag ng mga sundalo ng galawin nila ang crime scene subalit ang unang bahagi nito kung saan makikita sana ang aktwal na pamamaril ay nawawala o sinadyang pinutol ang video.

Video ng paggalaw sa crime scene

Makikita sa kumakalat na CCTV footage na may mga armadong lalaki ang lumapit sa crime scene kung saan makikita na nakahilata ang mga katawan ng mga sundalong napatay. Isa sa mga ito ay lumapit pa sa isa sa mga bangkay at ginalaw ito.

Sinadyang Itago?: Unang Bahagi Ng Video Na Pamamaril Ng Mga Pulis Sa Mga Sundalo, Bakit Nawawala? 2

May nilagay siyang bagay sa bandang uluhan nito. Siya rin ang nagbukas ng driver side ng sasakyan at may ginalaw din doon. Maya maya ay tila may bagay siyang isinilid sa kanyang bag. Dalawang beses siyang bumalik sa driver side bago bumalik at may ginalaw ulit sa uluhan ng bangkay na kanyang nilapitan.

Sundalo ang mga nasa video

Inamin ng Philippine Army na mga kapwa sundalo nila ang mga lalaking lumapit sa crime scene. Aminado rin siya na nagkaroon sila ng pagkakamali ng galawin nila ang crime scene na dapat sana ay SOCO lang ang dapat na tanging gagalaw upang mapreserba ang mga ebidensya.

Sinadyang Itago?: Unang Bahagi Ng Video Na Pamamaril Ng Mga Pulis Sa Mga Sundalo, Bakit Nawawala? 3

Ang lalaking nakita sa video na gumalaw sa may uluhan ng isa sa mga bangkay ay kapatid pala ng namatay. Ayon kay Col. Ramon Zagala, kinuha ng sundalo ang cellphone ng kanyang kapatid at binuksan ang driver side. Kumuha umano ito ng T-shirt at tinupi para magsilbing unan ng kanyang kapatid na namatay.

Tampering of evidence

Kasabay ng pag-amin niya sa pagkakamali sa paggalaw sa crime scene, nilinaw naman Philippine Army na wala silang intensyon na i-tamper ang mga ebidensya. Nagkataon lamang na naroon sila malapit sa crime scene dahil may binabantayan silang suicide bombers.

Sinadyang Itago?: Unang Bahagi Ng Video Na Pamamaril Ng Mga Pulis Sa Mga Sundalo, Bakit Nawawala? 4

Ngunit nagtataka ang mga army kung bakit kulang o nawawala ang unang bahagi ng video kung saan sana makikita ang aktwal na pamamaril sa kanilang mga kasamahan. Tila malisyoso ang biglang pagkalat ng video na pinapakita lamang ang paggalaw nila sa crime scene pero wala ang aktwal na pamamaril.

Aktwal na pamamaril

Inutos na ni Lt. General Gilbert Gapay na hanapin ang nawawalang parte ng kumakalat na video. Nais niya makita ang parte ng video sa pagitan ng 2:30 to 2:47, dahil ito umano ang magsasabi kung ano talaga ang nangyari.

Maaring nahagip ng CCTV ng munisipiyo ng Jolo ang aktwal na pamamaril ng mga pulis sa apat na sundalo. Ito umano ang dapat makita at maingatan ng NBI na siyang naatasan na mag imbestiga sa pangyayari.

Nasa siyam na mga pulis ang sangkot sa nangyaring barilan na itinuturing ng mga sundalo na “robbed out”.

Unang bahagi ng CCTV video na magpapakita ng aktuwal na pamamaril, pinahahanap na ng PHL Army

Ipinagtataka ng PHL Army kung bakit nawawala ang video ng mismong pamamaril ng mga pulis na ikinasawi ng 4 na sundalo sa Jolo, Sulu. Balikan ang mga balita sa 24 Oras livestream:YouTube: https://bit.ly/3dOWJO5Facebook: https://bit.ly/2Bvd7pJBisitahin ang www.gmanews.tv para sa iba pang mga balita.

Posted by GMA News on Thursday, July 2, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: