Press "Enter" to skip to content

Sinet-Up Lang Daw: Ex-Driver Ni Youtuber Keith Talens, Nagsalita Na Sa Viral Video Ng Pananapak Sa Gwardya

Viral ngayon ang video ng driver ng isang Youtuber na kita sa camera ay nanuntok ng isang security guard. Sa video ay makikita ang pagsuntok ng driver na kinilalang si Mang Jun, ang driver ng Youtuber na si Keith Talens.

Matatandaan na dati na rin nag-viral si Keith nang ivideo niya ang sarili niya habang umiiyak sa pagpanaw ng ama niya.

Sinet-Up Lang Daw: Ex-Driver Ni Youtuber Keith Talens, Nagsalita Na Sa Viral Video Ng Pananapak Sa Gwardya 1

Sa bagong viral video na ito ay masasaksihan sa video ang pagsapak ng driver sa guwardiya hanggang lumapit ang isang babae upang awatin ito.

Mang Jun

Kaugnay rito ay naglabas ng video si Mang Jun upang ilabas ang side of the story nito ukol sa insidente. Aniya ay si Keith Talens umano ang pinagmulan ng lahat.

Sinet-Up Lang Daw: Ex-Driver Ni Youtuber Keith Talens, Nagsalita Na Sa Viral Video Ng Pananapak Sa Gwardya 7

Aniya ay napaga-alaman nito na nagkakalat umano ng isyu ang guwardiya ukol sa kanya samantalang hindi niya ito kilala. Hinala nito ay sinet-up sya sa nangyaring insidente.

Aniya ay mapapansin umano ang pagkuha ng video na syang sinadya umano.

Naglabasan ng baho

Sa video ni Mang Jun ay inilabas nito ang malalim na ugat ng pagpapatalsik sa kanya. Aniya ay may nalalaman sya sa ginagawang pambababae ni Keith kaya naman ay sinet up sya na mapatalsik sa trabaho.

Kaugnay pa dito ay inilabas nito ang kanyang paghihirap bilang driver nito na kung saan ay halos 24 oras itong gising upang alalayan ito sa pang-araw araw na pamumuhay at pagvlo-vlog.

Issue din nito ang Youtube Channel nya na kung saan ay hindi man lang ibinabahagi sa kanya ang mga personal na detalye ukol dito at kung magkano din ang kinikita nito.

Aniya ay tanging sahod lamang nito bilang drayber ang natatanggap nito. Kaya naman ngayon, gumawa na lamang si Mang Jun ng sarili nitong channel.

Walang benepisyo

Pagbunyag pa ni Mang Jun, walang tumatagal na mga kasambahay kina Keith Talens at sa asawa nito na si Vena. Ang mga ito ay nagrereklamo din na wala silang day-off.

Hating suporta

Bagaman maraming followers ni Keith Talens ang suportado sya, marami din naman ang nagbigay ng suporta kay Mang Jun.

Gayunpaman, dapat pa din umano itong managot sa ginawang pananakit sa gwardya.

Panoorin ang video dito:

Security guard sinapak ng driver ng sikat na youtuber

Kayo na humusga 😡Paki share nalang din.

Posted by Utoy Adventures on Thursday, February 13, 2020

Source: Facebook, YouTube

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: