Press "Enter" to skip to content

Singer Na Si Claire dela Fuente, Nahatulan Na Makulong Ng 7 Taon

Sa edad na 61 anyos, hinatulan ng korte ang singer at businesswoman na si Claire dela Fuente na makulong ng pitong taon. Ito ay kaugnay ng kasong tax evasion na isinampa ng Bureau of Internal Revenue o BIR laban sa kanya.

Tax evasion case laban kay Dela Fuente

Sa ulat ng Manila Bulletin nitong Miyerkules, Hulyo 15, nag-ugat ang kaso laban sa kanya ng mabigo ang singer na mag file ng income tax returns para sa taong 1998 hanggang 2004. Dahil dito, humarap si dela Fuente sa pitong tax evasion case.

Singer Na Si Claire dela Fuente, Nahatulan Na Makulong Ng 7 Taon 2

Depensa ng kampo ng singer, taong 2005 lamang nagsimula ang operasyon ng kanyang kompanya, kaya naman walang katotohanan ang bintang ng BIR laban sa kanya. Nagpakita pa sila ng 2005 BIR registration sa harap ng hukuman.

Mga ebidensya

Subalit, nagpakita ng dokumento ang BIR mula sa Securities of Exchange Commission (SEC), Land Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB), at Land Transportation Office (LTO), na sumasalungat sa depensa ng aktres.

Binalewala din ng korte ang iprinisintang dokumento ng aktres dahil ayon sa BIR ay peke lamang ang mga dokumentong ito.

Kalaboso ng pitong taon

Dahil nabigo ang kampo ng aktres na depensahan ang sarili sa harap ng korte laban sa 7 counts ng tax evasion case, umabot ng pitong taon ang kanyang bubunuin sa loob ng kulungan.

Maliban sa parusang pagkakakulong, inutusan din siya ng korte ng magbayad ng multa na nagkakahalaga ng P150,000.

Kung sakaling mabigo ang aktres na mabayaran ang nasabing multa, madadagdagan pa ito ng P50,000, na may kasamang “subsidiary imprisonment”.

Unang nakilala si dela Fuente bilang singer na sikat na kantang “Sayang”. Naging presidente rin siya ng Integrated Metropolitan Bus Operators Association o IMBOA. Pagmamay-ari niya ang Philippine Corinthian Liner Corporation o (PCLC) na siyang naging sangkot sa nasabing kaso.

Source: PEP.ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: