Press "Enter" to skip to content

Sino Si Pinar Gültekin? At Ang Kwento Niya Sa Black And White Photo Challenge

Alam mo ba ang kwento sa dumaraming nagpost ngayon ng black& white photo selfie ng mga kababaihan? Hindi lang pabonggahan ng kuha ng selfie ang “challenge accepted” dahil kabalikat nito ang ipinaglalabang panindigan.

Paano nagsimula

Tinatansiyang noong 2016 nagsimula ang pagpost ng mga black & white selfie photo ng mga kababaihan, sa panawagan na magkaroon ng awareness tungkol sa cancer at women empowerment. Hanggang, marami na ang mga personalidad na nagkabit ng sarili nilang kahulugan sa “challenege Accepted” na ito.

Sino Si Pinar Gültekin? At Ang Kwento Niya Sa Black And White Photo Challenge 2
Photo Credits: Daily News

Ang ganitong challenge ay pamamaraan upang magkampanya sa mga isinusulong na panindigan, o kaya’y pagpalaganap ng katotohanan, at paglikha ng pagkamulat tungkol sa mga bagay-bagay na kailangang bigyan ng pagbabago.

Pagkatapos magpost, ay inominate bilang pagchallenge ang kaibigan nila para tanggapin at gawin ito, hanggang sa dumami. At minsan parang naging chain mail ang dating ng challenge.

Sino Si Pinar Gültekin? At Ang Kwento Niya Sa Black And White Photo Challenge 3
Photo Credits: Twitter

Paano nabuhay muli at naging popular

Kamakailan lang nabuhay muli ang Black & White Selfie Challenge, at ang pinakapopular ay ang mga post ng kababaihan sa Turkey. Si Dr. Pragya Agarwal, isang behavioral scientist, ang nag explain, na ang kahulugan sa challenge ay, ang pagsuporta nila sa mga kababaihan sa Turkey na nakipaglaban ng femicide.

At bilang pagpakita ng suporta sa kaso ni Pinar Gultekin, isang 27 years old na estudyante. Binogbog at sinakal hanggang mamatay si Gultekin ng kanyang dating nobyo. At pagkatapos ay isinilid sa contanier ang kanyang katawan, at sinunog bago nilagyan ng semento.

Sino Si Pinar Gültekin? At Ang Kwento Niya Sa Black And White Photo Challenge 4
Photo Credits: Trendsmap

Ano ang femicide

Ayon sa mga eksperto, ang femicide ay isang krimen na intensyon ang pagpatay ng mga babae dahil babae sila. Sa Turkey, nasa 474 ang kaso ng femicide, at dumadami kada taon. Lalo na ngayong may pandemya.

Mga partners, asawa, boyfriend o dating BF, at mga magulang o relative ng mga babae ang gumagawa ng krimen. Nag ugat sa kultura ang naturang fimicide, na tinatawag na honor killing. Kung saan mga sariling magulang ang pwedeng pumatay sa kanilang anak, kung sa palagay nila ay nabahiran ng dungis ang dangal sa pamilya dahil sa ginawa ng anak.

Sino Si Pinar Gültekin? At Ang Kwento Niya Sa Black And White Photo Challenge 5
Photo Credits: Nova Scotia Advocate

Ang Pilipinas, bagamat may mga kaso ng pang aabuso ng mga kababihan, ay hinirang ito noong 2018, bilang isa sa mga bansa kung saan ay “Best Countries To Be A Woman.” Kaya, ang “challenge Accepted” na ito ay, isang pagsusulong ng mga karapatan ng mga kababaihan.

Source: PEP Ph

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: