Isang residente ang pinuntahan mismo ng kanilang Kapitan sa kanilang bahay upang sampolan at pagalitan dahil sa pinagkakalat niya sa social media na hindi daw siya nabibigyan ng ayuda.
Viral video
Sa isang video na ipinost ng Facebook page na Timesku.ph, makikita ang isang kapitan na bumaba mula sa kotse niya upang pagalitan ang isang residente. Sa simula tinanong pa nito kung ano ba tong pinaggagawa niya dahil parang nagiiscam na ito.

Imbes na mag-sorry, sinabi lang ng babae na hindi daw siya nang-sscam, talaga daw kasing wala na silang makain kaya niya nasabi yun.
Kasinungalingan
Dito na inisa isa ng kapitan ang mga tulong na natanggap ng babae at ng pamilya niya. Una daw, nakatanggap na ito ng relief goods mula sa baranggay. Pangalawa ay mula na sa mayor.

Ang pangatlo daw ay talagang nagmessage pa sa messenger ng kapitan ang babae at naghihingi ng gatas at pagkain sakanya. Kaya naman kahit daw gabi ay ipinagtanong tanong pa ng kapitan ang bahay niya upang maiabot ang gatas pati sinamahan na din nito ng relief goods.
Matapos ang tatlong araw, hindi pa kuntento ang babae, naghingi pa daw ng Nestogen at iba pa kay kapitan.
Napuno na si Kapitan
Matapos ang lahat ng tulong na natanggap ni ate, nakuha pa nito magpost sa Facebook at maghingi ng tulong dahil “wala” daw silang natatanggap na ayuda.
May dalang print out ng mga comments niya si kapitan, at inisa isa pa. Nakakhiya daw na ang dami pa talagang hiningan ng tulong ni ate sa Facebook kahit ang dami naman na nitong natanggap na tulong.
Walang makain
Galit na galit naman ang mga netizens dahil masyado naman na daw umasa si ate sa gobyerno. At isa pa, imbes na daw na maghingi ng sorry ay talagang ipinagpipilitan pa nito na wala na daw kasi sila makain.
Good job naman pala si kapitan, ang bait. Napuno lang sa paninira ni ate.
Source: Timesku.ph
Be First to Comment