Press "Enter" to skip to content

Siyam Na Buwang Bata, Nalunod Sa Balde!

Davao Del Oro – Grabe ang hinagpis na naranasan ng isang pamilya sa Barangay Poblacion sa bayan ng Maco sa lalawigan ng Davao del Oro, dahil bukod sa hirap na sila sa buhay ay namatay pa ang kanilang bunso.

Ang nangyari

Sa video ni binahagi ni Jaipper Orpiano sa kaniyang Facebook account, makikita ng ilang beses na sinubukan na sagipin ng mga residente ang 9 buwang gulang na bata na wala nang malay. Nalunod ang bata sa isang balde ng tubig matapos paliguan ng mga menor de edad na kapatid at pinsan.

Siyam Na Buwang Bata, Nalunod Sa Balde! 2
Photo credits: Facebook

Isinugod sa isang ospital sa Tagum City ang bata at nabigyan ng lunas pero di kalaunan ay pumanaw rin ito. Ayon sa Nanay na si Charmaine Villarosa, iniwan niya ang kanyang mga menor de edad na anak sa kanyang ina dahil aasikasuhin niya ang ayuda mula sa Social Amelioration Program (SAP).

Dagdag ng ina, nahirapan sila sa pagkuha ng ayuda ng kanyang partner na lehitimong benepisyaryo ng SAP.

Siyam Na Buwang Bata, Nalunod Sa Balde! 3
Photo credits: Facebook

Ani niya,

“Hindi ko sinadya. Pero dahil sa SAP na pinapabalik kami, matagal namin nakuha ang ayuda. Kung ibinigay lang sana nila kasi may payroll naman kami. Kasi sabi ni Pres. Duterte, house-to-house ang distribution.”

Pagluksa at pagsisisi

Lubos na pinagsisihan ng ina ang pangyayari. Ang pera sanang kanilang makukuha ay ipapambili ng gatas at pang konsumo nila ng kaniyang mga anak.

Siyam Na Buwang Bata, Nalunod Sa Balde! 4
Photo credits: Facebook

Sabi ng Ina ng Bata,

“Kung alam ko lang na ganoon ang mangyayari, hindi ko na lang sana kinuha ang pera, kapalit ng buhay ng aking anak. Ginawa ko na ang lahat na mabuhay ang bata, pero hindi siya nailigtas.”

Pagkuha ng cash aid

Ayon sa barangay chairman na si Raul Timogtimog, hindi sinabi ng ama ng bata ang totoo nitong pangalan kaya nahirapan ang pamilya na makuha ang financial assistance.

Ani niya,

“Nagkaproblema sa pagtanggap ng ayuda kasi ang pangalan na inilagay niya ay Edwin Aleviado pero Ali ang totoo niyang apelyido. Pumunta sila ng barangay at humingi ng certification, pero hindi sila nabigyan ng aking secretary dahil hinanapan sila ng dokumento.”

Siyam Na Buwang Bata, Nalunod Sa Balde! 5
Photo credits: Facebook

Nanawagan naman ang municipal social welfare officer ng Maco sa mga benepisyaryo, na ihanda ang supporting documents at hintayin sa kanilang bahay ang ayuda dahil house-to-house ang paghatid ng cash assistance.

Samantala, humihingi ng tulong ang pamilya ng biktima sa burol at pagpapalibing ng bata na pinangakuan naman ng barangay na magbibigay ng ayuda.

Narito ang aktwal na video ng nasabing pagsasagip sa bata.

Siyam Na Buwang Bata, Nalunod Sa Balde! 6

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: