Press "Enter" to skip to content

Sa Sobrang Depress; Isang OFW Na Guro Ang Natagpuang Patay Sa Kanyang Appartment

Last updated on June 9, 2020

Isang guro na OFW ang ibinitin ang kanyang sarili at natagpuang patay sa kanyang tinutuluyang appartment nitong ika-3 ng Hunyo. Ang guro ay nagtatrabaho sa isang paaralan ng gobyerno sa bansang Thailand.

Ang guro

Ang guro ay si Melvin Cacho, 27 taong gulang na nagtatrabaho sa ilalim ng gobyerno sa paaralan ng Chulalongkorn University Nonthaburi Project ang natagpuang patay mula sa kanyang tinutuluyan.

Ang Guro- OFW
Photo Credit: Facebook

Ayon sa mga pulisya si Melvin ay gumamit ng isang kordon ng kuryente upang itali ang kanyang leeg sa ilalim ng air compressor sa balkonahe ng kanyang inuupahang appartment. Hinihinala na ang biktima ay nagpatiwakal isang araw ang makalipas nang matagpuan ito sa kanyang tinutuluyan noong ika-3 ng Hunyo.

Ang dahilan ng pagpapatiwakal

Sa kwarto kung saan natagpuan ang guro na nagpatiwakal ay may nakitang naiwan na mga sulat na hinihinalang mga suicide note. Sa suicide note ay nakasulat ang lahat ng saloobin ng nasabing guro na pagka-stress at anxiety partikular na sa kanyang trabaho at tungkol sa pera. Ayon pa sa sulat bago diumano ito mamatay ay hiniling pa nito na ipahatid ang kanyang mga bagahe sa kanyang ina na nasa Pilipinas.

Ang Dahilan- OFW
Photo Credit: Facebook

Aniya sa suicide note,

“My only wish before ako mamatay, ay simple lang. Pakihatid na lang ng mga gamit ko at ipabagahe pauwi ng Pilipinas para naman may pasalubong si mama. Ilan taon din akong hindi nakauwi, andaming pangyayari sa paligid COVID, no work, no pay, no job wala lahat.”

Epekto ng sitwasyon

Ayon pa din kay Melvin sa kanyang sulat kung saan sinabi nito na hindi diumano nya alam ang kanyang gagawin sa bansa kung saan sya naroon ng mga oras na iyon, hindi makakain, at di man lang diumano makauwi ng Pinas dahil sa naging sitwasyon ng pandemya.

Epekto Ng Sitwasyon- OFW
Photo Credit: Youtube

Sa ngayon ay wala pang pahayag ang kanyang pamilya sa pangyayari. Marami ang nalungkot sa nangyari sa guro at bumuhos ang pakikiramay ng mga netizen sa social media para sa pamilya nito.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin lamang ang Pinasbalita.org

Source: PinasVirals

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: