Press "Enter" to skip to content

“Sobrang Hirap Po” Ang Sinabi Ng Isang Nurse Matapos Maglakad Mula Edsa Hanggang Antipolo

Sa unang araw ng Modified ECQ hindi inakala ng isang nurse na mas magiging mahirap ang kanyang sitwasyon sa araw na iyon matapos nitong maglakad mula sa kanilang tahanan patungong trabaho dahil sa hirap nang masasakyan.

Ang sitwasyon

Sa pagbabalik trabaho na ito marami sa mga mamayang Pilipino ang napipilitang maglakad ngayon gaya na lamang ni Leonida Rosalinda na isang nurse, na nakaranas ng hirap sa unang araw ng pagbabalik trabaho. Ito ay dahil wala pa di umano masyadong maskyan ng araw na iyon at ang service ng kumpanyang pinagtatrabahuan nito ay nasariaan pa.

Ang Sitwasyon- MECQ
GMA

Aniya,

“May sira po ‘yung sasakyan na naghahatid sa’min. Sobrang hirap po kasi po ang layo na ta’s wala masyadong masakyan, unlike no’ng bago pa lang ‘yung ECQ, may mga Department of Transportation na bus… pero ngayon po madalang na po,”

Ang mungkahi

Dagdag pa nito dapat di umano ay magbigay ang lokal na pamahalaan ng libreng sakay para sa mga hirap pa din sa transportasyon lalo na sa gaya nyang frontliners. Hindi lamang ang ito kundi pati ang ilang mga construction workers ang makikita sa kalsada na madaling araw pa lang ay naglalakad na sa upang makapasok sa trabaho.

Samantala ang isang senior citizen naman na si Bobby Rubio ay mas pinipili na lang umano ang lingguhang pag-uwi sa kanilang tahanan upang makaiwas sa hirap ng sitwasyon sa transportasyon.

“Mahirap talaga kung aaraw-arawin ‘yan,”

Ang sinabi sa mga employer

Kaugnay nito nauna ng sinabi ni Trade of Industry Secretary Ramon Lopez sa mga employer na mag-provide ang mga ito ng akomodasyon at paraan ng transportasyon para sa kanilang mga empleyado patungo sa kanilang mga trabaho sa gitna ng Modified ECQ.

Sa kabilang banda sinabi din ng Malacañang na hindi masisi ang mga empleyadong mas pipiliin pa ang pumirmi na lang sa kanilang mga tahanan. Ito ay kung ang kanilang mga employer ay hindi magbibigay ng serbisyo ng transportasyon.

Source: GMA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: