Press "Enter" to skip to content

Social Distancing Habang Namimigay Ng Relief Goods Ipinatupad Sa Pandi, Bulacan Gamit Ang Upuan

Isang problema na hinaharap ng mga barangay ngayon ay ang pamimigay ng relief goods habang pinapatupad ang memorandum na social distancing. Ang solusyon ni Mayor Rico Roque ng Pandi, Bulacan? Upuan!

Upuan lang sapat na

Upang mapanatili ang social distancing sa gitna ng COVID-19, gumawa ng simple at maayos na sistema ang pamahalaan ng Pandi sa pamimigay ng ayuda.

Hindi na kailangan pang lumabas ng mga mamamayan at pumila ng kay haba-haba dahil sila Mayor na mismo, kasama ang mga taga-barangay, ang pupunta sa mga bahay at mag didistribute ng relief goods.

Alinsunod dito ay ang pangkalahatang utos na maglagay ng upuan sa labas ng bahay. Dito daw kasi ilalagay ang mga relief goods para maiwasan ang person to person contact na nagsasanhi ng paglaganap ng virus.

Paalala

Kasama rin nito ang paalala na bawal lumabas ng bahay habang pinamimigay ang relief goods. Bawal din daw lumapit o kahit makigpag kamay sa mga namimigay.

Saka lang din pwedeng kunin ng may ari ng bahay ang rasyon na inilagay sa upuan pagkaalis ng nagbibigay.

Kapakanan ng mamamayan

Layunin daw nila Mayor ang magbigay ng tulong para sa kanilang mga nasasakupan nang hindi rin nasasa-alang alang ang kalusugan ng lahat ng Pandieño.

Napuno ng papuri sa social media ang sistemang ito sa Pandi. Maraming naghahangad na sana’y ganito rin ka organized ang pamimigay ng relief goods sa kanilang mga barangay.

Sabi pa nga ng isang Facebook post, “Hindi katulad sa ibang lungsod kailangan pang pumunta sa mga city hall at pumila sa napakaraming tao makakuha lang ng relief goods.”

“Ni hindi man lang iniisip ang kapakanan at kalusugan ng kanilang komunidad. Saludo po kami sa ganitong alkalde na si Mayor Rico Roque. God bless sana all,” dagdag pa nito.

Nawa’y ito ay maging isang magandang ehemplo sa lahat ng sulok ng ating bansa at nang ating malabanan ang COVID-19 kahit sa mga pinakasimpleng paraan.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: