Press "Enter" to skip to content

Social Distancing, Tila Hindi Nasusunod Sa Balintawak Market, Quezon City

Ngayong Sabado de Gloria, ika-11 ng Abril ay dinagsa ang Balintawak Market ng mga mamimili. Sa dami ng mga tao, hindi na nasunod ang panukalang social distancing ng Department of Health upang makaiwas sa COVID-19.

Social Distancing

Nang dahil sa mabilis na pagkalat ng COVID-19, mahigpit na ipinapatupad hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansang apektado ng virus ang social distancing. Ito ay ang panukala mula sa World Health Organization (WHO) na dapat ay isang metro ang layo ng mga tao sa isa’t isa may sakit man o wala.

Social Distancing, Tila Hindi Nasusunod Sa Balintawak Market, Quezon City 2
Credits to WHO

Ito ay para na rin maiwasan ang pagkalat pa ng virus at tuluyan na itong mawala.

Hindi nasusunod

Tila hindi naman ito nasunod sa Balintawak Market na isang pamilihan sa Quezon City. Makikita sa isang larawan na ito na nakunan ngayong Sabado de Gloria, ika-11 ng Abril na dagsa ang mga mamimili sa nasabing lugar. Bagaman naka-facemask ang lahat, hindi naman ito sapat kung hindi nasusunod ang 1 metro na layo sa bawat isa.

Social Distancing, Tila Hindi Nasusunod Sa Balintawak Market, Quezon City 3
Credits to GMA News

Sa kabila naman ng paghihigpit ng mga kapulisan at lokal na pamahalaan, hindi pa rin mapigilan ang mga ganitong klase ng pangyayari.

Kooperasyon

Yan naman ang hiling ng gobyerno sa bawat Pilipino ngayon. Lalo pa at dumadami ang nakukumpirmang kaso ng COVID-19 sa bansa. Lahat na umano ng Pilipino ay apekatado ng krisis na ito at mas lalo pang mahihirapan ang lahat kung hindi sila susundin.

Social Distancing, Tila Hindi Nasusunod Sa Balintawak Market, Quezon City 4

Sa huling tala naman ng DOH noong ika-10 ng Abril, 04:00 PM, meron nang 4,195 na kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa. At isa ang Quezon City sa mga lungsod na may pinaka-maraming kumpirmadong kaso.

Sa ngayon, wala pang pahayag ang lokal na pamahalaan ng Quezon City tungkol sa pagdagsa ng tao sa Balintawak Market.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: