Press "Enter" to skip to content

SolGen Calida, May Patunay Na American Citizen Si ABS-CBN Owner Gabby Lopez

Sa isyung citizenship ng ABS-CBN Owner Eugenio “Gabby” Lopez III kaugnay sa franchise violations ng broadcasting network nito, may pinanghahawakan umano na ebidensya si Solicitor General Jose Calida. Aniya ay American citizen si Lopez nang kontrolin ng pamilya nito nag ABS-CBN noong 1987.

Lopez’ citizenship

Inilahad ni Calida sa Department of Justice ang mga ebidensyang nakalap nito na nagpapakita na diumano na ang ABS-CBN Chairman na si Gabby Lopez ay hindi Filipino citizen. Ang mga ebidensya ay dated noong 2001.

SolGen Calida, May Patunay Na American Citizen Si ABS-CBN Owner Gabby Lopez 2

Sa sulat na ipinadala ni Calida sa National Telecommunications Commission noong April 30, narecognize lamang si Lopez bilang Pilipino noon lamang April 25, 2001. Ito ay sa bisa ng recognition order na inilabas ng Bureau of Immigration na syang in-affirm ng noon ay Justice Secretary na si Hernando P. Perez.

Violation

Ayon kay Calida, nang magrant ang franchise ng ABS-CBN noong 1995, maituturing na American citizen si Lopez.

“Clearly, when ABS-CBN Corporation’s franchise was approved on March 30, 1995, through Republic Act No. 7966, Mr. Lopez, in strict terms, was an American citizen, another violation of our nationalization laws,”

Mga ebidensya

Nagpresenta si Calida ng listahan ng travel records ni Lopez na kung saan ay patuloy nitong ginagamit ang American passport nito kahit pa man narecognize na ito bilang Pilipino noong 2001. Naging kwestyon ito sa usaping faith and allegiance nito sa bansa.

“Despite being recognized as a Filipino in 2001, Mr. Lopez continued to use his American passport as shown by the list of travel records dated March 3, 2020 issued by the Bureau of Immigration, with Control no. 20034520. His actuations patently belie his recognition and acceptance of the authority of the Philippines and cast doubt on his true faith and allegiance.”

Filipino ownership

Nakasaad sa konstitusyon na Pilipino lamang ang may karapatan na humawak o magmay-ari ng media company sa bansa.

Ang pag-expose ng tunay na citizenship ni Lopez ay pinangunahan ng dating cabinet secretary Rigoberto Tiglao noong Feb. 24, 2020. Ayon dito,

“Lopez acquired Philippine citizenship only in 2004, a year after the Dual Citizenship Law took effect. This law allowed natural-born Filipinos who acquired citizenship in another country to acquire Philippine citizenship after a process specified by the law, “

Senate hearing

Sa pahayag naman sa Senate hearing ng ABS – CBN president at pamangkin ni Gabby Lopez, Carlo Katigbak, hindi umano American citizen si Lopez.

” Sa pagkakaalam ko po, Gabby Lopez is a Filipino citizen. ‘Yung tatay nya po is Filipino, and may hawak din po siyang Philippine passport.”

Ganunpaman, hindi nakasaad sa quo warranto petition na sinampa ni SolGen Calida laban sa ABS-CBN ang isyu ng citizenship ni Lopez.

Source: The Asian Policy

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: