Press "Enter" to skip to content

Sorry Daw Muna! CHED Hindi Muna Tatanggap Ng Mga Bagong Skolar

Nag anunsyo ang Commission on Higher Education o CHED na hindi muna sila maaring magbigay ng scholarship ngayon taon sa mga bagong aplikante dahil sa krisis na dala ng Coronavirus disease o COVID-19

Wala munang bagong iskolar

Sa isang Senate hearing nitong Huwebes, Mayo 21, sinabi ni Chairman Prospero de Vera na ang budget na nakalaan sa ngayon ay para lamang sa mga datihan ng scholars sa ilalim ng CHED Merit Scholarship Program o CMSP.

Sorry Daw Muna! CHED Hindi Muna Tatanggap Ng Mga Bagong Skolar 2

Ayon kay de Vera, “We are giving out a notice that we will not be able to give merit scholarship for this school year,”

Dagdag pa niya, “Ang mapopondohan namin doon sa natitirang pera ay iyong continuing lang kasi kung tatanggap kami ng bago tapos hindi mabibigyan ‘yong continuing, mas kawawa sila,”

Prayoridad ang mga dati ng iskolar

Sa paliwanag ni De Vera noong Biyernes, sinabi nila na suspendido muna sa ngayon ang aplikasyon para sa nasabing scholarship. Ito ay para makasuporta ang pamunuan ng CHED sa layunin ng pamahalaan na puksain ang pandemic na kinakaharap ng bansa sa ngayon.

Prayoridad din muna umano nila ang pangangailangan ng mga dati ng skolar kesa magbigay ng panibagong scholarship sa iba. Ayon kay De Vera, naglaan ang CMSP ng 2,467 na slots para sana sa mga papasok na first year college students sa Year 2020 to 2021.

Layunin ng CHED Merit Scholarship Program

Layunin ng CMSP na tulungan ang mga estudyante sa kanilang mga gastusin tulad ng pang matrikula, micellaneous fee, at iba pang gastusin na mga estudyante sa kanilang pag aaral. Ang basehan ng pagtanggap sa mga aplikante ay batay sa kanilang nakuhang grado noong high school.

Paglilinaw ni De Vera, ang budget na inilaan para sa reimbursement ng mga tuition at miscellaneous fee sa mga state universities at colleges, maging sa mga lokal na unviversities at colleges ay hindi apektado ng National Budget Circular (NBC) No. 580.

Maging ang Tertiary Education Subsidy and Student Loan Program ng CHED ay hindi rin sakop ng nasabing restriction.

Ang NBC No. 580 ay inilabas ng pamahalaan upang pigilan ang paggasta ng mga ahensya ng gobyerno sa mga hindi masyadong importanteng mga bagay. Tipid muna ang mga ahensya hanggang hindi pa nakakaraos ang bansa sa krisis na dulot ng COVID-19.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: