Press "Enter" to skip to content

Sotto Nanawagan Kay Duque: “save the President from any predicament”

Kasalukuyan pa ding inuulan ng kontrobersiya ang ahensya ng Department of Health sa gitna ng paglaban nito sa Covid-19 crisis. Samu’t sari ang panawagan kay DOH Secretary Francisco Duque III na magbitiw na sa pwesto.

Imbestigasyon

Suhestyon ni Senate President Tito Sotto kay Health Secretary Duque na magbitiw na ito sa kanyang pwesto para mailigtas sa nakakahiyang sitwasyon aniya ang Pangulong Duterte. Ito ay sa kabila ng pandededma ng Health Secretary sa mga panawagan ng pagbibitiw o pag-file ng leave of absence habang iniimbestigahan ang diumano anomalya sa DOH.

Sotto Nanawagan Kay Duque: "save the President from any predicament" 2

Bago pa man isulong ang imbestigasyon ng Ombudsman, nauna nang nag-file ng resolution ang mga senador ukol sa pagbibitiw ng Health Secretary. Anila, “failure of leadership” sa covid-19 response ang dahilan kung bakit dapat ay umalis na sa pwesto si Duque.

Resign

Sa kabilang banda, tila aniya pagod na magkomento si Sotto ukol kay Duque dahil hindi naman ito napapakinggan.

Sotto Nanawagan Kay Duque: "save the President from any predicament" 3

“I’m tired of giving comments re: Sec. Duque because it merely falls into deaf ears,”

Dagdag pa nito,

“It’s his call. He should save the President from any predicament or responsibility in his tenure,”

Saloobin ng mga senador

Isa rin sa mga senador na nanawagan ng pagbibitiw ni Duque ay si Senator Bato Dela Rosa. Parehas ng sentimyento ni Sotto, tila hindi pinapansin umano ni Duque ang mga panawagan laban sa kanya.

“Ayaw ko nang manawagan dahil ayaw man din niyang pagbigyan. Ayaw ko nang masnubbed again,”

Si Senator Kiko Pangilinan naman ay hindi na umano magtataka kung patuloy ang mga sablay na kampanya ng DOH laban sa covid hanggat nasa pwesto si Duque.

“Hindi na ako magtataka kung patuloy na palpak na patakbo ng kampaniya ng administrasyon laban sa COVID,”

Hirit pa nito, lalo lamang mababaon sa pahamak at madadagdagan ang parusa sa mga Pilipino.

“Lalo lang mababaon sa kapahamakan ang bansa at dagdag parusa sa mamamayan,”

Leave of absence

Suhestyon naman ni Senator Sherwin Gatchalian dapat umano magfile ng leave of absence ang health secretary habang iniimbestigahan ng Ombudsman ang ahensya. Ito ay upang masigurado na hindi maiimpluwensyahan ni Duque ang mga impormasyong hihingin ng Ombudsman mula sa DOH.

“To make the investigation impartial, I think the best and the most appropriate thing to do is to take a leave of absence at the very least,”

Hindi nakikipagtulungan

Nito lamang Huwebes nagpahayag si Ombudsman Samuel Martires ng pagkadismaya dahil aniya hindi nakikipagtulungan ang ahensya ng DOH sa imbestigasyon. Ani Martires,

“I just hope this official will just cooperate with us. Shut up and just cooperate,”

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: