Press "Enter" to skip to content

Sotto: Pinagtataka Ang Katahimikan Ni Duque Sa Isyu Ng Korapsyon Sa Loob Ng PhilHealth

Manila, Philippines – Kinuwestiyon ni Senate President Vicente Sotto III ang tila pananahimik ni Health Secretary Francisco Duque hinggil sa nabulgar na P15 bilyong nawawala sa Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) sanhi ng overpricing at mismanagement sa ahensiya.

Pananahimik ni Duque

Sa virtual press conference, sinabi ni Sotto na hindi pa ipinatatawag si Duque sa gaganaping pagdinig ng Senado ngayong Martes ng umaga sa mga “bagong” ebidensiya at resource person.

Sotto: Pinagtataka Ang Katahimikan Ni Duque Sa Isyu Ng Korapsyon Sa Loob Ng PhilHealth 2
Photo Credit: Inquirer.net

Bilang Health Secretary, si Duque ang chairperson ng PhilHealth. Ayon kay Sotto, dumalo siya sa web conference na kung saan nagkaroon ng sigawan sa mga matataas na opisyal ng ahensiya hinggil sa akusasyon ng korapsiyon.

Pag taka

Dahil dito, kinuwestiyon ni Sotto kung bakit tahimik si Duque sa mga alegasyon.

Ayon sa kaniya,

“It is quite interesting na bakit wala siyang comment, ‘di ba? Nakapagtataka na ikaw ay on top of the PhilHealth, ikaw ay secretary of Health, dapat mayroon kang concern, so may statement ka one time or another sa issues of corruption in the Philhealth itself”

Sotto: Pinagtataka Ang Katahimikan Ni Duque Sa Isyu Ng Korapsyon Sa Loob Ng PhilHealth 3
Photo Credit: MSN

Matatandaan na isa si Sotto sa 14 na lumagdang senador na nanawagan sa pagbibitiw ni Duque dahil nabigo nitong sugpuin ang COVID-19 pandemic sa Pilipinas.

Hiling na sibakin

Samantala, hling ni Sotto na kung sisibakin ni Pangulong Duterte si PhilHealth president at chief executive officer Ricardo Morales at iba pang opisyal na sangkot sa anomalya, maaaring itigil ng Senado ang imbestigasyon nito.

Ani niya,

“That will save us a lot of time and effort, but we still have to come up with remedial measures amending the PhilHealth law so that this type of anomalies will never happen again.”

Sotto: Pinagtataka Ang Katahimikan Ni Duque Sa Isyu Ng Korapsyon Sa Loob Ng PhilHealth 4
Photo Credit: MSN

Matatandaan na pinai-imbestigahan ni Pangulong Duterte ang kurapsyon sa PhilHealth at sinabi nito na sa oras na mapatunayang may sala ang mga opisyal ay sisibakin niya ito sa pwesto.

Dagdag pa ni Sotto,

“Wishful thinking ko lang. Matutuwa ang mga tao. Maraming magpapalakpakang mga kababayan natin ’pag ginawa ni Presidente yan.”

Samantala, bukas din ang usapin hinggil sa mga alegasyon kay Duque at umaasa si Sotto na mabigyan ito ng linaw at naniniwala ito na dapat ngang sibakin ito sa pwesto.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: