Press "Enter" to skip to content

Spox Harry Roque, Walang Balak Mag Sorry Sa Reporter Ng CNN

Manila, Philippines – Dinedma ni Presidential Spokesperson Harry Roque ang panawagan ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) na humingi ng paumanhin sa isang reporter na binara nito sa ere sa press conference dahil sa di umano’y pag-misquote sa kanya hinggil sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) testing efforts ng pamahalaan.

Ang nangyari

Matatandaan na galit na sinita ni Roque ang reporter na si Triciah Terada ng CNN Phililippines sa ulat nito na sinabi sa kaniyang tweet na di umano ng kalihim na bahala na ang pribadong sektor na magsagawa ng mass testing.

Sa kaniyang press briefing ng isang araw, sinita ni Roque si Terada at hindi na ito nabigyan ng pagkakataon na makapagpaliwanag.

Spox Harry Roque, Walang Balak Mag Sorry Sa Reporter Ng CNN 2
Photo credits: Rappler

Ayon kay Roque,

“I don’t owe anything to NUJP. I’ve done work for NUJP, they probably owe me, I don’t owe them.”

Pinanindigan ni Roque na maling quote ang ginamit ni Terada sa kanyang istorya kaya na-bash siya sa social media.

Giit ni Roque,

“CNN has since corrected the story so there was really a mistake. If there’s a mistake, if you acknowledge the mistake, I don’t even demand an apology. Just correct it because we’re all in the business of the truth, that to me is enough.”

Responsableng mamahayag

Sinabi pa ni Sec. Roque na personal na niyang nakausap si Terada na nagpaliwanag na hindi siya ang nagsulat ng artikulo subalit bilang Malacañang reporter ay dapat na itinama niya ang istorya.

Pahayag ni Roque,

“It turns out it was not Trish who wrote the article and I think personally I’ve sent a message to Trish, but I also feel that as the Malacañang reporter, she should have corrected the story of her news outfit particularly because it’s her beat.”

Spox Harry Roque, Walang Balak Mag Sorry Sa Reporter Ng CNN 3
Photo credits: Manila Today

Giit ni Roque, ang totoong tao sa likod ng istorya na ito ay dapat na pinangalanan lalo pa’t ang artikulo ay inilathala ng walang byline.

Ani niya,

“Whoever wrote the article and there was no byline, that’s the problem. Why is it that some news agencies do not have bylines for their stories para (so) we know who wrote it.”

Binalaan

Nauna pa dito, bahagi ng paninita ni Sec. Roque kay Terrada ay sinabihan niya ito na,

“I have to call you out. Kita mo naman ang naging resulta ng inyong reporting at ikaw lang ang nag-report na ganyan.”

Una nang pinanindigan ng CNN Philippines ang istorya ni Terada at nakalulungkot anila na hindi nabigyan ng pagkakataon ang kanilang reporter na idepensa ito sa publiko.

Spox Harry Roque, Walang Balak Mag Sorry Sa Reporter Ng CNN 4
Photo credits: Manila Today

Ayon sa NUJP,

“Officials who earn public ire for their pronouncements should not blame journalists who are merely doing their jobs.”

Sa huli, sinabi ni Roque na wala syang anumang pagkakautang sa NUJP at baka ang organisasyon pa anya ang may utang sa kanya dahil minsan na syang may ginawa para sa mga ito.

Source: Rappler

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: