Press "Enter" to skip to content

Spox: Kolehiyo At Unibersidad Maaaring Magbukas Na Sa May 4

Sa gitna ng usaping mag atras ng pasukan ng eskwela sa Setyembre, nilinaw ni Presidential Spokesperson Harry Roque na ang mga unibersidad at kolehiyo ay maaari na magpatuloy ng operasyon mula sa ka-apat ng Mayo.

Skeletal force

Ayon kay Spox Roque, napagmeetingan daw nung Lunes kasama ang Inter-Agency Task Force for the Management for Emerging Infectious Diseases (IATF) na payagang magbukas ang mga Higher Education Institutions (HEIs).

Spox: Kolehiyo At Unibersidad Maaaring Magbukas Na Sa May 4 2

Skeletal force lamang ang papayagan ang ang gagawin lamang ay asikasuhin ang mga credentials ng mga estudyanteng magtatapos ngayon taon, at pagplanuhan ang flexible learning arrangement para sa susunod na school year.

“only for the purposes of finishing the Academic Year 2019-2020, issuing credentials to students, and preparing for flexible learning arrangements for the next academic year.”

Hindi pa pinal ang Setyembre

Nilinaw din ni Spox na hindi pa daw naaaprubahan ang panukalang magsimula ng Setyembre ang mga pasok ng estudyante sa eskwelahan para sa mas maging ligtas ang lahat.

Hinihintay pa daw ang final approval mula sa Department of Education (DepEd).

“The September recommendation remains subject to final approval of the Department of Education.”

Paurong ng paurong

Matatandaang iminungkahi ni Education Leonor Briones na ang pasukan sa susunod na school year ay maaaring maiatras sa Agosto. Ngunit pinaatras uli ito sa Setyembre na siya namang naghihintay ng approval.

Ito ay hinggil sa pagextend pa ng quarantine sa ibang lugar labas sa COVID-19.

Relaxed Community Quarantine

Iniutos ni President Duterte na iextend pa ang Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa mga lugar na may high-risk na maikalat ang virus.

Para naman sa mga lugar na kaunti o walang cases ng virus, babalik sa general community quarantine (GCQ) at unti unting magrerelax ang ibang restrictions simula May 1.

Sa mga lugar na kasama sa babalik sa GCQ, magsisimula na magbukas sa May 4 ang mga kolehiyo para sa naiutos na skeletal force.

Source: Manila Bulletin

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: