Press "Enter" to skip to content

Stand-up Comedian Na Si Kim Idol, Pumanaw Na

Tuluyan ng pumanaw ang isang magaling na stand-up comedian na si Kim Idol nitong Lunes sa edad na 41.

Pagpanaw ni Kim Idol

Ang malungkot na balita ay inihayag sa Facebook post ng kanyang ina na si Maria Taniegra Argente, nitong Lunes ng umaga ang pagpanaw ng anak na si Kim Idol. Matatandaan na nanawagan ng dasal ang kanyang pamilya at mga kaibigan nitong nakaraang linggo dahil sa dinaranas na sakit nito.

Stand-up Comedian Na Si Kim Idol, Pumanaw Na 2

Arteriovenous Malformation o AVM ang karamdaman na nagpa-gupo sa batang katawan ng stand-up comedian. Ang AVM ay sakit kung saan nagbubuhol buhol ang mga blood vessels sa katawan kung kaya hindi nagiging maayos ang daloy ng dugo at oxygen.

Dalamhati ng isang ina

Labis ang pagdadalamhati ng pamilya at kaibigan ni Kim Idol. Sa isang hiwalay na post, ibinahagi ng kanyang ina ang pagiging proud nito sa kanyang anak. Si Kim Idol kasi ay naging volunteer frontliner sa gitna ng kinakakaharap na pandemic sa buong mundo na COVID-19.

Stand-up Comedian Na Si Kim Idol, Pumanaw Na 3

Ayon sa kanyang ina, “Magandang alaala ang iniwan mo anak lalo na sa mga COVID victim na pinasaya mo, inawitan mo,”

Dagdag pa niya, “Sabi mo bumilis ang kanilang paggaling kasi nawawala ang kanilang lungkot hindi mo lang alam ang takot ni mama pero dahil gusto mo nga mag work bilang Frontliner pumayag na si mama.”

Sobrang saya mo ng ibalita sakin na kahit nakakasalamuha mo sila negative result mo. Sobrang proud ako sayo anak maraming sumasaludo sayo, para sa akin anak isa kang bayani.”

Pakikiramay ni Allan K

Maging ang isa pang stand-up comedian at TV host na si Allan K ay nagbigay ng pakikiramay sa pagpanaw ni Kim Idol.

Ani Allan K, “You are one of the best talents Klownz and Zirkoh have ever had. One of the funniest on and off stage. You will always be remembered by people whose lives you touched through comedy, Rest in peace Kim Idol…we will miss you,”

Si Allan K ay ang may-ari ng comedy bar na Zirkoh at Klownz kung saan nagtrabaho at nagsimulang makilala si Kim Idol.

Source: GMA News Online

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: