Press "Enter" to skip to content

Stun Gun Para Sa Mga Pasaway Na Lalabag Sa Quarantine, Isinusulong Ng PNP

Isinusulong ng PNP ngayon ang paggamit ng Stun Gun or Taser sa pag-disiplina sa mga pasaway at lumalabag sa ipinapatupad na ECQ. Nais nilang maiwasan na magkaroon ng mga karahasan o kapahamakan na dulot ng pagsaway sa mga lumabag.

Isinusulong ng PNP

Pinag-aaralan ngayon ng PNP na maisulong ang paggamit nila ng Stun Gun o Taser sa panghuhuli o pagsaway nila sa mga taong lalabag sa ECQ. Naniniwala sila na kung ito ang gagamitin nila, maiiwasan ang patayan o karahasan sa pagitan ng mga pulis at sa mga tao.

Stun Gun Para Sa Mga Pasaway Na Lalabag  Sa Quarantine,  Isinusulong Ng PNP 2
Photo credits to GMA News

Nagiging problema na kasi ngayon ng PNP ang dumadaming nahuhuli na mga pasaway. At asahan pa ang pagdami nito sa mga darating na araw. Napakaraming pasaway na rin ang hindi sumusunod sa ECQ.

Stun Gun o Taser

Ang Stun Gun o Taser ay katulad din ng itsura ng baril pero kapag kinalabit ay hindi bala ang lalabas, kundi isang bagay na kung saan ito ay tutusok sa taong babarilin, at dadaloy ang kuryente sa kanyang katawan.

Stun Gun Para Sa Mga Pasaway Na Lalabag  Sa Quarantine,  Isinusulong Ng PNP 3
Photo credits to GMA News

Ang epekto nito sa tao ay bahagyang makukuryente at asahan na dahil sa pagdaloy ng kuryente sa katawan, ito ay matutumba. At saka naman lalapit ang mga pulis para mahawakan o mahuli ang tao na yun.

Ito ang naisip nila na madaling paraan para mahuli ang mga pasaway. Hindi na ito magkakaroon ng pagkakataon pa na tumakas. Higit sa lahat, hindi rin ito makakalaban sa kanila.

Kung titingnan natin, maganda ang naisip ng PNP, maiiwasan nga naman ang bayolenteng pagsaway sa mga tao. Wala rin maaring mapahamak o mgbuwis ng buhay.

Maaprubahan kaya

Umaasa ang PNP na maaprubahan ang kanilang panukala. Dahil sa totoo lang nahihirapan na rin sila sa mga taong lumalabag sa quarantine. Hindi nila alam kung paano sila manghuhuli na hindi malabag ang karapatang-pantao ng mga ito.

Stun Gun Para Sa Mga Pasaway Na Lalabag  Sa Quarantine,  Isinusulong Ng PNP 4
Photo credits to GMA News

Ayon pa sa PNP Chief, hinihintay na lang nila ang desisyon ng nasa taas kung aaprubahan ba ito. Ikinukunsulta na rin nila ito sa Commission on Human Rights para kung sakaling mapatupad ito, walang magiging problema.

Magising na sana ang mga taong pasaway. Hindi naman din kasi madali ang ginagawa ng mga pulis sa ngayon. May mga pamilya din sila na dapat kasama nila pero ang nangyayari nasa daan sila at sinasaway ang mga taong matitigas ang ulo na lumalabag sa ECQ.

Panoorin ang video sa ibaba sa iba pang detalye.

Taser para sa mga bayolenteng lumalabag sa quarantine, pinag-aaralan

May naiisip gawin ang PNP laban sa mga bayolenteng lumalabag sa lockdown — kuryentehin gamit ang taser.

Posted by GMA News on Friday, May 1, 2020

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: