Press "Enter" to skip to content

Sugatang Pinoy Sa Beirut Umakyat Na Sa Bilang Na 24- DFA

Ang bilang ng mga Pilipino na nasugatan sa malakas na pagsabog na naganap sa Beirut, Lebanon noong Martes ay umakyat na sa 24, ito ang sinabi ng opisyal ng Foreign Affairs.

Pilipinong napinsala

Sinabi ni Department of Foreign Affairs Undersecretary Brigido Dulay na karamihan sa mga nasugatan ay ang mga household service worker.

Sugatang Pinoy Sa Beirut Umakyat Na Sa Bilang Na 24- DFA 2
Photo Credit: Daily Tribune

Samantala, hindi naman bababa sa dalawang mga manggagawang Pilipino ang nasawi at isang seafarer ang pinaghahanap parin hanggang ngayon.

Nauna nang iniulat na sampu sa 11 mga seafarer na nawawala ay natagpuan nang ligtas.

Tulong para sa mga napinsala

Ang 10 crewmen ng Orient Queen Cruises ay nakapagtamo ng minor injuries at ngayon ay pinangangalagaan na ng kumpanya na Abu Merhi Cruises sa Ain el Mraiseh, Beirut.

Sugatang Pinoy Sa Beirut Umakyat Na Sa Bilang Na 24- DFA 3
Photo Credit: Manila Bulletin

Para sa mga nais humingi ng tulong, ang embahada ng Pilipinas ay maaaring maabot sa pamamagitan ng mga sumusunod:

  • Telephones – +961 3859430, +961 81334836, +961 71474416, +961 70681060 and +961 70858086
  • E-mail – beirutpe@gmail.com
  • Facebook – Philippine Embassy in Lebanon

Pinsala sa Lebanon

Ang Lebanon ay tahanan ng humigit-kumulang 33,000 mga Pilipino, 75% sa kanila ang nasa mas malaking lugar ng Beirut.

Sugatang Pinoy Sa Beirut Umakyat Na Sa Bilang Na 24- DFA 4
Photo Credit: GMA News

Ang malakas na pagsabog ay nagresulta ng hindi bababa sa 100 na pagkasawi at libu-libo sugatan. Ito rin ay nag-sanhi ng malawakang sunog at pagkasira sa buong lungsod.

Sinabi ng mga opisyal ng Lebanon na ang ammonium nitrate na naka-imbak sa isang bodega nang marami ng taon sa isang port ay ang naging dahilan ng matinding pagsabog.

Tumutok lang sa Pinas Balita para sa karagdagang updates at impormasyon.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: