Press "Enter" to skip to content

Sunog Sa Pasig, Pumatay Sa Mag-amang Natutulog

Isang sunog ang sumiklab sa isang residential area sa may Pasig at sa kasawiang-palad nasawi ang isang mag-ama. May mga nasugatan din sa nasabing trahedya na naganap nitong Martes ng madaling-araw.

Nasawi

Namatay sa sunog ang mag-ama na nakilalang si Rodolfo Eguillos, 40 at sampung taong gulang na anak nito nang di na nakalabas ng bahay nitong madaling-araw ng Martes.

Sa isang ulat ni Mark Makalalad ng Super Radyo dzBB sa Unang Balita, mahimbing na natutulog ang pamilya ni Eguillos ng maganap ang sunog na kumitil sa buhay niya at sa anak nito.

Sunog Sa Pasig, Pumatay Sa Mag-amang Natutulog 2
Photo Credit: DZBB Super Radyo

Nang maapula ang sunog, natagpuan ang labi ng mag-ama sa ground floor ng natupok na kabahayan ng ala singko ng umaga.

Sa naganap na trahedya tatlo naman ang mga nasugat. Si Marie Antonette ay nagtamo ng third degree burn sa mukha at mga sugat sa binti. Si John Rofer Eguillos naman ay nasugatan sa likod. At si Fercilina Eguillos naman ay nagtamo ng first degree burn sa kaliwang paa.

Pinsala ng sunog

Humigit kumulang sa P200,000 ang halaga ng pinsalang idinulot ng nasabing sunog. Nagsimula ang sunog sa isang two-storey na bahay ni sa Villa Tupaz sa San Joaquin, Pasig ng 1:10 a.m.

Itinaas sa unang alarma noong 1:13 a.m. ng Bureau of Fire Protection at naapula naman ito ng bandang 1:50 a.m.

Sunog Sa Pasig, Pumatay Sa Mag-amang Natutulog 3
Photo Credit: CNN Philippines

Ang bahay na pinagmulan ng sunog ay pag-aari ni Merlina Dalayday. Agarang kumalat ang apoy dahil gawa ang naturang bahay sa light matetials. Sa pagkalarawan ng mga kabahayan, magkakatabi mga ito na may ikalawang palapag na gawa sa kahoy.

Sunog Sa Pasig, Pumatay Sa Mag-amang Natutulog 4
Photo Credit: DZBB Super Radyo

Nagpapaabot ng kanilang pagdalamhati at pakikisimpatya ang karamihan sa mga netizen sa mga naapektuhan ng trahedya dulot ng sunog nito.

Sunog Sa Pasig, Pumatay Sa Mag-amang Natutulog 5
Photo Credit: GMA News

Ngunit ang ilan pa sa mga netizen nagawa pang magpost ng kanila pansariling interest imbes na makisimpatya.

Foul-play

Ayon sa tagapagsalita na si Fire Superintendent Douglas Guiyab, fire marshall ng Bureau of Fire Protection-Pasig, walang foul play sa nasabing insidente bagamat patuloy ang kanilang imbestigasyon upang masuring mabuti ang mga pangyayari.

Narito ang buong kwento:

Video Credit: DZMM TeleRadyo

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: