Press "Enter" to skip to content

Supply Ng Faceshield Sa Divisoria, Nagkakaubusan Na!

Patok ngayon sa social media ang bulto-bultong bentahan ng faceshield. Ito ay matapos na ihayag ng Department of Transportation na sa mga susunod na araw ay gagawing mandatory ang pagsusuot ng faceshield bilang karagdagang proteksyon laban sa coronavirus.

In demand

Tumaas ang demand sa faceshield matapos na inanunsyo ng DOTr na magiging mandatory ang pagsusuot ng faceshield sa loob ng mga pampublikong sasakyan. Dahil riyan ay nagkakaubusan ng supply mula sa mga seller sa Divisoria, Manila.

Supply Ng Faceshield Sa Divisoria, Nagkakaubusan Na! 2

Ang dating bentahan ng faceshield para sa mga bata ay naibebenta ng sampu hanggang labinlimang piso ngunit ngayon ay nagtaas sa halagang P20 hanggang P30. Liban pa riyan, nagtaas din sa higit sampung piso ang presyo ng faceshield na may foam at frame. Ang dating bentahan nito ay nasa halagang P15 hanggang P20 na syang umaabot ngayon sa 45 pesos.

Supply Ng Faceshield Sa Divisoria, Nagkakaubusan Na! 3

Taas presyo

Pati ang mga eyeshield ay nagtaas din ang presyo sa merkado. Sa dating presyo nito na P70, umabot na ito sa P100 kada isa. Ayon naman sa Department of Trade and Industry, hindi ito magtatalaga ng SRP para sa bentahe ng faceshield dahil hindi ito kinokonsidera na pangunahing pangangailangan o basic necessity. Gayunman, maaaring gumawa ang mga tao ng DIY faceshield kung walang pambili.

Supply Ng Faceshield Sa Divisoria, Nagkakaubusan Na! 4

Sa pahayag ni DTI Undersecretary Ruth Castelo,

“It’s very important nowadays, pero (but) DTI through Secretary Lopez said, kasi he’s encouraging mga D.I.Y faceshield using plastic. ‘Yung plastic na cover hard enough (plastics cover which are hard), para mag-form sa (to form on the) face and then can be cleaned with alcohol,”

Dagdag proteksyon

Ayon sa pag-aaral na isinagawa ng DOTr, 99 porsyento ng proteksyon mula sa virus ang naibibigay sa isang tao kapag nakasuot ng faceshield at facemask. Kasama na rin dyan ang pagsasagawa ng physical distancing sa pampublikong lugar. Gayunman, mainam na iwasan ang paglabas kung wala namang mahalagang lakad.

Source: PTV News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: