Press "Enter" to skip to content

“Support Local” Campaign, Inilunsad Ng Manila City Government

Noong ika-3 ng Agosto ay inilunsad ng Manila City Government sa tulong ni Mayor Isko Moreno ang kampanya na kung saan may layunin na suportahan ang mga lokal na negosyo na apektado ng pandemya.

Ang paglulunsad

Buhat ng pandemya sa bansa maraming mga negosyo ang nalugi at tuluyang nagsara o ang iba naman ay kumikita ngunit maliit naman at hindi sapat, meron din mga huminto sa pagtatrabaho at piniling magnegosyo. Sa pamamagitan ng kampanya na inilunsad ng Manila City Government noong Martes (Agosto 3) mabibigyan na ng suorta ang mga lokal na negosyo.

"Support Local" Campaign, Inilunsad Ng Manila City Government 2
Photo Credit: CNN Philippines

Ayon kay Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang layunin ng kampanya na “Support Local” ay tulungan ang mga negosyo mabalik ang kanilang mga nalugi. Dagdag niya, na nais nilang tulungan ang mga mag-ari ng negosyo sa lungsod ng Maynila at ginagawa nila ang lahat upang mabigyan ng oportunidad ang mga mamamayan na magkatrabaho.

Ang kampanya

Matagal nang inaanyayahan ng pamahalaan tulad ng Department of Trade and Industry (DTI) ang mga Pilipino na bumili ng mga lokal na produkto upang makatulong at makapagbigay ng suporta. Ang nasabing kampanya ay sinimulan ng Bureau of Permits na pinamunuan ni Director Levi Facundo, kasama niya rin dito ang Department of Tourism, Culture and Arts ng Manila na pinapangunahan ni Director Charlie Duñgo.

Ipinaliwanag ni Mayor Isko na ang mga programa at kasunduan na kanilang inilulunsad ay palaging sinisiguro na makakatulong sa kalagayan ng publiko, mapa-pangkabuhayan man ito o para sa kanilang pang-araw-araw na gawain.

“Buhay at ekonomiya, negosyo at trabaho. Iyon ang atake natin. The direction of the city is pangalagaan ang buhay, pangalagaan ang hanap-buhay,” Ani ni Mayor Isko.

Iba pang layunin ng kampanya

Dagdag pa ni Director Levi Facundo, ang kampanya ay hindi lamang tutulong sa malalaking mga negosyo kung hindi kasama rin dito ang mga maliliit o small scale businesses. Tutulungan nito ang mga negosyante na maging malikhain upang makahikayat pa ng mas maraming mga mamimili.

"Support Local" Campaign, Inilunsad Ng Manila City Government 4
Photo Credit: CNN Philippines

Ang kampanya ayon kay Director Facundo ay makakatulong din sa komunidad dahil kapag mas inayos ang mga negosyo, dadami ang mga taong pupunta sa lugar na iyon upang makapamili. Bilang pagtatapos, sinabi niya uunahin muna ang gusto ng mga Pilipino bago ang mga banyaga pero nag-iisip na rin sila ng paraan kung paano makakahikayat ng mga tao sa labas ng bansa.

Source: Philippine Information Agency

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: