Press "Enter" to skip to content

Suspek Daw Ang Mister? Isang Ginang Natagpuang Patay Sa Tricycle Ng Kanyang Asawa Sa Nueva Ecija

Natagpuang patay ang isang ginang sa loob ng isang tricycle sa San Antonio, Nueva Ecija at sinasabi ng pulisya na ang asawa ng biktima ang hinihinalang suspek sapagkat iniuwi nito ang tricycle at bangkay ng ginang sa lugar kung saan naganap ang nasabing krimen.

Ang karumal-dumal na krimen

Sa ulat ni James Agustin sa GMA News, nito lamang Martes, ayon sa imbestigasyon ang ginang ay kinilala bilang si Rosalinda Cortez, 40 taong-gulang, mayroong bakas ng pananakal.

Suspek Daw Ang Mister? Isang Ginang Natagpuang Patay Sa Tricycle Ng Kanyang Asawa Sa Nueva Ecija 2

Ang bangkay ng kinilalang biktima ay natagpuan umano sa Barangay Luyos.

Tinukoy na suspek ang kanyang mister na si Mario, ang siyang unang dumating sa crime scene na nag-uwi ng tricycle at labi ng misis, na dahilan ng pag-dududa ng mga awtoridad.

Ang isinagawang imbestigasyon

Base sa imbestigasyon, nakitang buhay pa ang biktima nang parehas silang lumabas ng suspek upang magdeposito sa bangko, ngunit si Mario na lamang ang nakabalik.

Suspek Daw Ang Mister? Isang Ginang Natagpuang Patay Sa Tricycle Ng Kanyang Asawa Sa Nueva Ecija 3

Sabi mismo ng anak at kamag-anak ng mag-asawa, madalas daw umanong magtalo ang dalawa ngunit hindi tiniyak ng mga ito sa ulat kung ano ang kanilang pinag-awayan.

Ang kasong isinampa

Matapos mapag-alaman ang nangyari, agad na dinakip ng pulisya si Mario at inakusahan sa kasong parricide.

Suspek Daw Ang Mister? Isang Ginang Natagpuang Patay Sa Tricycle Ng Kanyang Asawa Sa Nueva Ecija 4

Ayon sa ulat, ang kasong inereklamo kay Mario ay pilit niya raw itinatanggi.

Sa ngayon, hinihintay na lamang ang autopsy sa labi ng ginang kung ano ang tunay na dahilan ng kanyang pagkasawi.

Source: GMA News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: