Press "Enter" to skip to content

Suspensyon Ng Motor Vehicle Requirements Na Emission Testing, Isinusulong!

Manila, Philippines- Hinihiling ng ilang lawmaker sa Department Of Transportation (DOTr) at Land Trasportation Office (LTO) na isuspinde muna ngayong taon ang emission testing. Ang emission testing na ito ay isa sa kailangan upang mairehistro ang isang sasakyan o maging ang motorsiklo.

Ang house resolution

July, 16- Nagpasa ng resolusyon si Cagayan de Oro 2nd District Rep. Rufus Rodriguez na House Resolution No.1007, na isang panawagan sa House of Representatives upang hingin ang pang-unawa tungkol sa suspensyon ng nasabing requirement. Maliban dito ay sinabi din ni Rodriguez sa isang resolution na karamihan sa ilang parte sa bansa na transaksyon ng gobyerno ay natigil dahil sa lockdown at quarantine tulad na lamang ng pagpaparehistro ng mga sasakyan.

House Resolution- Vehicles
Photo Credit: Manilabulletin

Aniya,

“As a result of lockdowns and quarantines in many parts of the country, most transactions with the government were halted, such as the registration of vehicles,”

Dahilan ng panawagan

Samantala, ang dahilan sa panawagang ito ni Rodriguez ay dahil umano sa haba ng pila at unusual delay sa proseso ng pagrerehistro higit sa emission testing centers na nauuwi sa paglabag ng protocols ng social distancing.

Dahilan Ng Panawagan- Vehicles
Photo Credit: Topgear

Sa katunayan ay may isang residente sa Cagayan De Oro City ang nagreklamo dahil maaga pa lang ay nagpunta na diumano ito upang pumila at makakuha ng numero ngunit nauwi lang sa wala. Sa halip ay binigyan lamang umano ito ng appointment upang magpa emission test na hindi baba sa 2 linggo ang layo.

Magbibigay kagaanan

Sinabi pa ni Rodriguez na ang DOTr at LTO ay maaring isuspinde ang nasabing emission testing requirements hanggang sa matapos ang taon na ito at ang magiging resulta ng pagsuspinde ay makapagbibigay ng kagaanan sa mga may-ari ng sasakyan. Bukod pa dito ay makapagbibigay din ito ng panahon sa DOTr at LTO upang tignan ang ilang mga reklamo at alegasyon sa mga pribadong emission centers sa bansa. Gayunpaman, ay nabanggit naman ng ilang lawmaker na marami na sa may-ari ng mga sasakyan ang nakapagparehistro magmula ng maitaas ang quarantine protocols at travel restriction sa mga lugar.

Para sa iba pang mga balita at impormasyon bisitahin ang PinasBalita.

Source: Inquirer.net

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: