Press "Enter" to skip to content

SUV Na May ‘Do Not Delay’ Sign, Alak Pala Ang Laman

Arestado ang dalawang lalaki matapos makumpiskahan ng mga alak sa loob ng kanilang sasakyan sa Maynila. 44 na piraso ng alak ang nakuha mula sa mga ito.

Do not delay sign

Timbog sa checkpoint nitong Sabado ang dalawang lalaki na nahulihan ng dose dosenang alak sa kabila ng pinapairal na liquor ban bunsod ng pinagdaraanang krisis sa bansa. Nakilala ang mga suspek bilang sina John Leonard Argate Sala at Michael Duhaylunsod Tuastumban.

SUV Na May 'Do Not Delay' Sign, Alak Pala Ang Laman 2

Ayon sa hepe ng Juan Luna police community precinct na si Police Capt. Leo Labrador, nahuli ang mga suspek sa nakatalagang checkpoint sa kanto ng Meisic Street at Juan Luna sa Binondo. Lulan ng puting SUV ang dalawang lalaki. Naging kapansin pansin din ang ‘Do Not Delay’ at ‘Shuttle Service’ sign ng isang kumpanya. Ngunit sa pagcheck na isinagawa ng mga pulis ay nakita ng mga ito ang mga botelya ng alak.

Mga kaso ng paglabag

Nang hingan naman ng mga dokumento at quarantine pass ang dalawa, walang maipresenta ang mga ito. Kabilang sa mga nakumpiska ay 23 na bote ng kalahating litro na beer at 21 na bote ng isang litrong brandy.

Nahaharap ang mga suspek sa paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases Health Events of Public Health Concern Act at Temporary Liquor Ban Amid Enhanced Community Quarantine of Manila in relation to Bayanihan to Heal As One Act. Ang mga ito ay dinala sa MPD Station 11.

Liquor ban

Itinaas ang liquor ban kasabay ng pagpapatupad ng enhanced community quarantine habang kinakaharap ng bansa ang krisis na dulot ng covid-19. Bagaman may kautusan na bawal ang pagbebenta at inuman sa mga pampublikong lugar, marami pa din ang nagiging mapilit na makalusot at makabili ng mga alak.

SUV Na May 'Do Not Delay' Sign, Alak Pala Ang Laman 3

Matapang

Naging kumpulan ng biro mula sa mga netizens ang pagkakaaresto sa dalawang lalaki. Anila ay lubos ang katapangan ng dalawa na sinuong ang posibilidad na mahuli ang mga ito sa pagbili ng mga alak sa kabila ng liquor ban.

Source: ABS-CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: