Press "Enter" to skip to content

Tadyak At Suntok Ang Inabot Ng Anak Matapos Mahuli Ang Ama Na Angkas Sa Motor Ang Kaniyang Kabit

Kaawa-awa ang sinapit ng anak sa kamay ng kaniyang Ama matapos niyang mahuli sa akto na naka-angkas sa motor ang kabit nito.

Sinapit sa kamay ng Ama

Kalunos-lunos ang sinapit ng anak na si Alaissa Marie Cagayat matapos na walang awang suntukin at tadyakan ito ng kaniyang sariling Ama. Ito ay ng mamataan niya at mahuli mismo sa akto ang ginawang pagtataksil ng ama sa kaniyang pamilya.

Tadyak At Suntok Ang Inabot Ng Anak Matapos Mahuli Ang Ama Na Angkas Sa Motor Ang Kaniyang Kabit 2

Kaya hindi lubos maisip ni Alaissa na sa simpleng araw na iyon habang masaya silang nagbibisikleta ng kaniyang mga kaibigan ay magiging ma-aksyon na tagpo pala sa kamay ng kaniyang Tatay Virgilio Cagayat.

Tadyak At Suntok Ang Inabot Ng Anak Matapos Mahuli Ang Ama Na Angkas Sa Motor Ang Kaniyang Kabit 3

Ani pa ni Alaissa,

“First time ko po nakita yung Tatay ko na kasama yung babae niya. Tapos nagka titigan kami ng babae kasi tinititigan niya ako, tapos ng nakilala niya na ako sinabihan ko po out of Anger, dahil first time ko po siya nakita, tinawag ko siya na Kabit.”

Relasyon ng Ama sa pamilya niya

Sa panayam ni Idol Raffy kay Alaissa, Ikinwento nito na matagal ng hindi umuwi ang kanilang ama at alam din nila ng kaniyang Ate kung saan na ito nakatira kasama ng kabit niya. Kaya naman hindi niya sukat akalain na sa mismong araw na iyon kung saan sila madalas na dumadaan kapag nag bibisikleta kasama ang kaibigan, ay aktwal niya itong makakasalubong sa unang pagkakataon.

Tadyak At Suntok Ang Inabot Ng Anak Matapos Mahuli Ang Ama Na Angkas Sa Motor Ang Kaniyang Kabit 4

Ayon pa kay Alaissa,

“Noong Oct 12 nag bike po kami ng Ate ko kasama po ang aming mga kaibigan. Yung way po namin, pa-Mabitak tapos pabalik na po kami. Lagi po kasi kami dumadaan sa loob po ng Paki Laguna even though alam po naman na doon na nakatira si Papa kasama ang kabit niya.”

Tadyak At Suntok Ang Inabot Ng Anak Matapos Mahuli Ang Ama Na Angkas Sa Motor Ang Kaniyang Kabit 5

Salaysay pa ni Alaissa, dahil sa nangyaring pag sa lubong nila ng kaniyang Ama na kasama ang kinakasama nito ay kaniya itong tinawag na kabit. Kaya naman tiningnan niya sa side mirror ng kaniyang bisekleta ang magiging reaksyon ng Ama habang tumigil ito sa gilid ng eskinita kung saan maraming tao na nakakita sa ginawang pambubugbog sa kaniya ng ama.

Ani pa niya,

“binalikan po ako ng Tatay ko. Nagkasagutan po kami tapos sinabihan niya po ako na ‘inaano ko ba kayo?’ Nanahimik na daw po sila ng kabit niya. Ay hindi naman po pwede na ganun, para niya kami pinabayaan simula ng umuwi siya abroad at wala ng pera ay kami na gumagastos sa bahay namin.”

Ayon pa kay Alaissa, habang papalayo ang Ama ay kinuhanan niya ito ng video. Kaya sa puntong iyon ay bumalik muli ang kaniyang ama at saka siya binogbog. Hindi niya na din alam ang sumunod na pangyayari dahil sa sobrang takot nito sa kaniyang ama.

Lagot kay Idol

Katwiran naman ng Ama ay hindi niya sinaktan ang anak. Ang kaniyang intensyon lamang umano ay kunin ang selpon nito upang burahin ang video. Ayon naman kay Idol ay patong-patong na kaso ang haharapin nito dahil sa kaniyang ginawa sa anak at sa pamilya.

Dagdag pa ni Tatay Virgilio hindi niya namukhaan ang Anak dahil malabo ang mata niya at ito ay may suot na helmet at facemask. Narinig niya na lamang umanong tinawag nito na kabit ang kaniyang kasama.

Ayon pa kay Tatay Virgilio,

“pagkalagpas ko, sumigaw po siya ng kabit, kabit. Scandal po iyon sa public place. Para sa akin lapastangan anak.”

Dagdag pa nito,

“Hinabol ko po kasi hindi na maganda sakin ang ganun. May legal process na silang ginawa, ay bakit ganun p ginagawa nila sakin. Magkaroon naman sana ng pag-galang.”

Kaya naman hindi na napigilan ni Idol ang sarili at nagbigay ito ng kaniyang opinion, ayon kay Idol mali ang ginawa ni Tatay Virgilio dahil kasal pa sila ng kaniyang asawa at nagkaroon na ito ng kabit. Dagdag pa ni Idol, binogbog niya ang kaniyang anak na kitang kita mismo sa CCTV ng Barangay. Ngunit mariing sinabi parin ni Tatay na hindi niya binogbog ang anak bagkos ay hinamon niya pa si Idol at ang anak na ipakita ang medic-legal nito. Dahil ayon kay Tatay, kung binogbog niya ang anak, dapat sana daw ay may pasa ito.

Ngunit ayon naman kay Alaissa,

“Ano walang nakita sayo? Kung hindi kayo titigil, hundi rin ako titigil. Nanginginig talaga ako sa takot kagabi Idol.”

Bukod pa kasi sa pananakit sa anak ay pinag bantaan din ni Tatay Virgilio ang dating asawa nito na si Aling Conchita Cagayat na kung hindi daw iuurong ang kaso ay tatagain at papatayin niya ito.

Sa puntong ito ay pumasok sa usapan si Atty Gareth at ayon sa kaniya mabigat na kaso ang kinakaharap ni Tatay Virgilio. Ayon pa ni Atty Gareth, ito ay tinatawag na Violence against women and children dahil mas mabigat pa ang kaso nito kumpara sa ordinaryong kaso. Dagdag pa nito ang grave threat na kung saan binantaan niyo ang asawa na may hawak na utak at tinakot pati na rin ang kasong concuninage dahil sa pangangaliwa nito. Sa ngayon ay ipapasa na sa Korte ang kaso na isinampa kay Tatay Virgilio.

Source: Raffy Tulgo In Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: