Browse By

Taguig City Nakamit Ang Full Vaccination Ng Revised Target Population

Fully vaccinated na ang 100% ng revised target population ng Taguig City laban sa sakit na Covid-19. Ayon sa Pamahalaang Lungsod, may kabuuang 611,990 nang residente ang naitalang fully vaccinated as of October 13, 2021.

Base sa 2021 population projection ng Department of Health (DOH), ang revised total population ng Taguig ay 611,086 or 70% ng kabuuang tinatayang populasyon na 872,980. Ito ay mas mababa ng 68,000 na indibidwal mula sa orihinal na population projection na 680,000 indibidwal para sa kasalukuyang taon.

Community-based vaccination program

Photo Credits: bworldonline.com

Sa panayam sa Tagapamuno ng Vaccination Program ng Siyudad, tumutok ang Lungsod sa pagpapatupad ng isang community-based vaccination program. Mas naging accessible ang pagbabakuna nang ito ay isagawa sa 31 health centers na may daily capacity na 50 katao sa bawat lugar. Patuloy din ang bakunahan sa 4 na Mega Vaccination Hubs ng siyudad na may kakayahang mangasiwa ng 1,000 vaccinations kada hub araw-araw.

Ang Taguig ay nagdagdag pa ng 2 Mobile Vaccination Buses upang mas lalo pang mapabilis ang pagbabakuna ng mga residente . Maliban dito, patuloy din ang Home Service Vaccination Program na inilungsad ng Lungsod para sa kanilang bedridden senior citizens.

Patuloy din ang ginagawang paghahanda ng Pamahalaang Lungsod sa gaganaping vaccination ng mga kabataang may edad na 12 hanggang 17. Uunahin ang vaccination ng mga kabataang may mga comorbidities.

100% ICU capacity rate

Photo Credits: Reuters

Sa kasalukuyan, nananatiling nasa 100% ang capacity rate ng Intensive Care Units (ICUs) sa Lungsod na siyang pinakamataas sa buong Metro Manila. Sa isang pahayag kay Dr. Guido David ng OCTA Research, ang Taguig ay pangatlo sa mga lungsod sa National Capital Region (NCR) na may pinakamataas na bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19. Ang Quezon City ang pinakamataas na may naitalang 474 na kaso. Samantala, pumapangalawa ang Manila na may 203 na kaso.

Source: Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.