Press "Enter" to skip to content

Taguig, Namahagi Ng Pills Sa Gitna Ng House Quarantine Dahil Sa Krisis

Namahagi ang Taguig City Health Office ng contraceptives sa kanilang mga residente sa Sitio Bayani, Western Taguig. Ito ay batay sa utos ni Mayor Lino Cayetano noong Sabado upang maiwasan ang posibleng pagdami ng mga buntis habang naka lockdown.

Kontra sa malawakang pagbubuntis

Ayon kay Doctor Norena Osano, Head of Taguig City Health Office, bibigyan nila ng mga pills, injectable pregnancy control drugs at condoms ang bawat bahay sa Taguig.

Taguig, Namahagi Ng Pills Sa Gitna Ng House Quarantine Dahil Sa Krisis 2
Sunstar

“Syempre on family planning side ‘yung mga clients namin we regularly check na they have their supplies kasi ayaw naman natin na mag-boom ang mga buntis in two to three months time tapos ipagsisi pa sa Covid kasi nagka-Covid hindi na sila makaalis ng bahay,” saad ni Doctor Osano.

Vitamins and maintenance

Maliban sa mga contraceptives, mamimigay din ang city health officers ng mga vitamins para sa mga bata at ilan sa mga maintenance na gamot ng may mga diabetes, hypertension at tuberculosis lugar nila. 

“Hindi na kasi ine-encourage ang paglabas ng mga tao sa kanilang mga bahay bilang paglaban sa COVID kaya tayo nalang ang sumasadya sa kanilang mga tahanan nang sa ganoon ay tuloy tuloy parin ang supply ng kanilang mga pang araw-araw na pangangailangang mga gamut lalo na sa mga buntis, yung may mga underlying illness at pati na bata para sa pagpapalakas ng kanilang immunity,” dagdag pa ni Doctor Osano.

Taguig, Namahagi Ng Pills Sa Gitna Ng House Quarantine Dahil Sa Krisis 3
Facebook

Pang isang buwan

“Isang buong buwan ang ibababa namin sa mga pasyente but they are instructed to take this medicine regularly at mino-monitor namin sila (The medicines we will distribute for patients are good for one month (and) they are instructed to take these medicines regularly and we are monitoring them),”

Dagdag pa ni Osano, mayroong higit kumulang 1,000 na mga buntis ang minomonitor ng City Health Office ng Taguig.

Ayon sa isang residente na si Sheena Arab, “Malaking tulong po ito para makaiwas tayo sa kumakalat na virus. Sana po hindi tayo mahawan pare-pareho (This is a great help in preventing the spread of the virus, hopefully, none of us will be infected by Covid-19),”

Taguig, Namahagi Ng Pills Sa Gitna Ng House Quarantine Dahil Sa Krisis 4
/Manila Bulletin News

“Maraming salamat po kay Mayor Lino Cayetano dahil yung mga doctor ay nakarating po sa bahay namin at na checkup po kami, thank you po doc, hindi po kami makapunta sa center pero sila po ang pumunta dito. (Thank you so much to Mayor Lino Cayetano because the doctors came to our house for pre-natal checkup, we could not visit the health center but they came here),” ayon naman kay Maria Lyn Gulong, pitong buwang buntis.

Ayon sa tala ng Department of Health noong Saturday mayroon nang 77 dagdag na kaso ng  Covid-19.

Source: PNA

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: