Press "Enter" to skip to content

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun

Di na kinaya ni Nilo Barelos, OFW sa Riyadh, ang problema sa misis nitong si Ivy Barelos at sumangguni na ito kay idol Raffy Tulfo. Ito ay upang maayos ang kaniyang pamilya na kung saan iniwanan na ng kaniyang asawa ang kanilang mga anak at sumama na kay Junjun Larosa.

Patuka na ang lumalapit sa manok

Love at first sight kung ituring ng kabit na si Junjun ang pagkakilala nila ni Ivy. Sa pagkasalaysay ni Junjun, lagi nagpupunta sa lugar nila si Ivy upang magrebond sa mga pinsan nito.

Dahil sa malimit magkita, pinakilala ng kanyang mga pinsan si Ivy sa kanya. Di naglihim si Ivy sa kanyang katayuan sa buhay at sinabi nito na may asawa siya at mga anak.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 2
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Ani ni Idol Raffy

Sandali muna Sir. Paano ka mapapamahal sa isang babae na nakita mo sa umpisa pa lamang. Di mo masasabing mahal.

Kalokohan yung love at first sight na yun. Nakita mo siya niligawan mo siya, di mo pa siya mahal pero alam mo na may asawa siya sa umpisa pa lamang o siguro bago mo pa lang niligawan alam mo na may asawa siya? di ba ?

Masarap magluto ayon kay Junjun si Ivy kaya lalo niya itong nagustuhan at niligawan kahit may asawa ito.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 3
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Lubos naman di pinaniwalaan ni Idol Raffy ang kuwento ni Junjun tungkol sa kanyang pag-ibig kundi sa pagnanasa na nararamdaman nito nang nakakita ito ang pagkakataon upang masalisihan si Ivy habang wala ang asawa nito.

Biro pa ni Idol Raffy

Magaling magluto? So dahil magaling magluto niligawan mo na nagustuhan mo na. Edi maghanap ka lang ng kusinera. Kung gusto mo maglagay na lang tayo ng wanted kusinera tapos ligawan mo basta single lagyan mo.

Dagdag pa ni Idol Raffy

Di nga bago ka napamahal ka sa kanya alam mo na may asawa siya. Bat mo niligawan?

Di mapigilan li_ _ _ mo.

Kasalanan at hustisya

Sa pag-abandona ni Ivy sa mga anak nila ni Nilo ito at pagsama kay Junjun ay malinaw na nilabag pa nito ang batas ng child abuse at may kaukulan itong parusa ng pagkakulong na mula anim na taon.

Dahil sa pagdadalang tao naman ni Ivy sa ibang lalake maliban sa kanya asawa, siya at si Junjun ay nahaharap sa kasong adultery o pangangaliwa kung saan maaaring silang makulong ng apat na taon.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 4
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Ayon kay Attorney Garreth Tungol

Unang-una meron po tayong kaso for adultery. Dahil sila po ay kasal pero siya pa rin po ay nagkaroon ng relasyon sa isa pang lalake. So pwede po siyang kasuhan ng adultery doon.

Pangalawa po at siguro ang pinaka malala po pag-abandon ng bata. Itong abandonment ng bata ay pasok na pasok po sa child abuse dahil nagsusustento naman po ang kanilang tatay base po sa aking pagkarining kanina sa kaso at trabaho na lang ng nanay is alagaan sila ang araw-araw na pang-aalaga.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 5
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Siguro, ang pagpapakain; paghatid sa eskwela; na hindi pa niya ginampanan. So Sir meron po tayo kaso ng child abuse against the mother pati adultery po.

Dagdag pa nito,

Naku kung pinagsama po yang po Sir, siguro 4 na taon mula adultery tapos mga 6 mula sa child abuse so baka umabot tayo sa 10 taon Sir. Dun sa lalake po na pumayag na siya ay makipagtalik sa kasal na babae ay pasok rin po adultery. Sir parehas lang po sila ng penalty.

Labis na nga kasalanan ni Ivy kay Nilo nagawa pa nitong gumawa ng dokumento sa barangay na itinatanggi niya ang anak nila ni Nilo para lang mapapapayag ang pamilya ni Junjun na magsama sila.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 6
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Ani ni Nilo

Mayabang yan Sir mayabang. Pinuntahan yan ng mga Kapitan sa bahay ng lalake mismo.

Pinuntahan mo pa sa bahay ang lalake na yan. Para lang kayo magsama. Sinabi mo pa yung anak natin na dalawang lalake di natin anak at anak ko sa ibang babae. Nasa papel sa barangay.

May pirma kayong dalawa ni Junjun Larosa. Sabi ni Sir na yun ang sinubmit.

Sinasabi sa dalawa kong lalake at anak ko raw sa iba. At yung babae ay inabandona ko po raw sila. Sabi po sa magulang ng lalake nang pinuntahan nila para lang matanggap siya sa bahay ng lalake.

Post sa Facebook

Dahil sa isang post sa Facebook nakita ni Nilo ng buwan ng Marso ang litrato ni Ivy na kinikilig at nakayakap si Junjun.

Saka lang nalaman nito ang ginagawa nitong pagtataksil sa kanya. Naka-block sa ngayon si Nilo sa Facebook ni Ivy nang pinagalitan niya ito.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 7
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Ani pa ni Ivy

Sir di po ako, kaibigan po nagbigay ng picture namin. Reader po nagpost ng picture po namin dalawa. Hindi po yan. Sa account ko yan pinost. Yung kaibigan ko po kumuha ng picture sa account ko.

Ani ni Nilo

E di ko po nakakausap yung asawa ko po kasi bina-block na po ko sa Facebook. Kasi napagalitan ko po nga po dun sa ginawa niya.

Naawa nga po ako sa mga anak ko iniwanan na lang niya bigla. Iniwanan lang po ng perang ₱200. Sa akin naman senior citizen po.

Nagpapakahirap po ako dito bago ganoon na lang po malalaman ko po. Masakit po sa akin matagal na po iyon hanggang ngayon iniisip ko pa.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 8
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Nakikilala ni Nilo si Junjun dahil sa naipakilala ito ng kanyang kapatid, na ang hindi niya alam na magiging dahilan ng pagloloko ng kanyang asawa. At Daddy pa ang tawag ni Ivy kay Junjun.

Nilo ang OFW na luhaan

Naluluha dahil sa sama ng loob na ikinuwento ni Nilo kay Idol Raffy ang kanyang reklamo sa kanyang misis. Kung saan hanggang sa ngayon iniisip niya ang mga kalokohan ginawa ng kanyang asawa.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 9
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Ani pa ni Idol Raffy

Maaga, naiiyak na si Sir. Talagang masama ang loob niya. Sige sir ikuwento po ninyo po tong reklamo kay misis. Sir.

Si Nilo ay isang taon at isang buwan na nagtatrabaho sa Riyadh bilang assistant cook at kahit sa gitna ng pandemic dulot ng COVID-19 ay patuloy na nagtatrabaho at walang day-off para lang makapagpadala ng pera sa kanyang mag-ina.

Ani Nilo

Kami wala ring day-off.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 10
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Buwan-buwan o minsan 2 beses pa sa isang buwan nagpapadala ito sa kanyang mag-ina na humigit kumulang na ₱ 25,000 o mahigit pa. Ngunit sa kabila nito nagawa pa ring lokohin ni Ivy.

Biro ni Idol Raffy

Anlaki. Buwan-buwan po yan baka naman po nasobrahan ng padala Sir kaya nakapag-isip na gumawa ng kalokohan, naispoiled po ninyo. Pasensiya na Sir ha. Spoiled na spoiled.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 11
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Ani ni Idol Raffy

Yun yong mahirap nagtatrabaho ka kumakayod kalabaw ka doon sa ibang bansa para sa pamilya and then mag-iisip ka yung sitwasyon ng pamilya mo sa Pilipinas. At ang masaklap si misis iniwan na ang inyong anak at nanlalake na. Ansakit noon pinakamasakit.

Todong palusot ni Ivy

Sa kanilang pag-uusap ni Idol Raffy at ni Ivy. Inilalayo nito sa kanya ang sisi kaya pinagbibitangan nito si Nilo ng pananakit at pambabae ngunit di naman ito pinaniwalaan ni Idol Raffy sinupalpal niya ito ng batikos.

Ani ni Idol Raffy

Alam po ninyo Mam, gasgas na po na palusot iyan. Palagi kapag kinukumpronta namin dito yung babae na nanlalake. Nanakit kasi iyan e pero wag ka. Hinatid pa si Mister sa airport ok pa for so many months until such time nakakita ng lalake si babae. Yun pananakit, kaya ayoko ko na.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 12
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Dagdag pa ni Idol Raffy

So Mam di ba matino ginawa ninyo Mam. Pasensiya na po. May asawa po kayong tao nagpost kayo may kalandian.

Maliban sa kitang-kita na ang mga kasalanan at mga kaparusahan nagawa ni Ivy matapang lang nitong sinagot na haharapin kung ano mang kaso ibibigay sa kanya ng kanyang asawa.

Ani ni Ivy

Kung yan po ikasasaya niya edi haharapin ko po.

Tulong at payo

Tanging hiling lang ni Nilo sa ngayon ay maparusahan ang kanyang asawa at maayos ang buhay ng kanyang anak. Tutulong si Idol Raffy upang makauwi si Nilo upang makapagsampa ng maayos at upang makuha ang kustodiya ng kaniyang anak.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 13
Photo Credit: Wanted sa Radyo

Ani ni Nilo

Opo Sir. Sana nga po hihingi ng tulong makauwi ng Pilipinas para po maalagaan ng maayos mga anak ko po makasama sa bahay.

Ani pa ni Idol Raffy

Pwedeng-pwede po yun Sir. Mangyayari po iyon. Lalo pa ito matibay na ibidensiya na buntis siya. Hindi siya karapat-dapat maging nanay ng inyong mga anak.

Dahil hindi po suitable para sa isang bata titira sa isang marumi; masama; kasukasukang environment; which is etong si nanay nila e meron kinakabit na ibang lalake.

So nandoon na po tayo na ang baby po natural mapupunta sa inyo po iyan. Isa pa kahit ilaban sa korte yan e matic mapupunta po sa inyo iyan.

Taksil Na Asawa Pinagpalit Si Kuyang OFW At Anak Para Kay Junjun 14
Photo Credit: Raffy Tulfo in Action

Opo wag ninyo po ng balikan. Kung ako po opinyon ko po iyon. Pero di iyan, ikaw pa rin ang masusunod ako po makikipagbigay lang sa iyo ng gabay na para sa akin hindi na po healthty na babalikan mo pa iyan.

Baket kanyo; number 1 walang guarantee na di na niya uulitin iyon; number 2 kung sakali man di niya inulit darating pa rin yung time na tuwing mag-aaway kayo, mabubulatlat ito ginawa niyang pag_ _ _put sa inyong ulo so di na talaga healthy.

Pinakamaganda hiwalay na lang kayo pag-usapan ang bata which is papunta naman sa iyo at pag nasa kulungan siya. Siguro once in a while dalawin mo sa kulungan at pakita mo ang mga bata kung matanda ang mga bata o SIr? Salamat Sir Nilo God bless po.

Eh mas maganda Sir. Maganda Sir sa lahat ng maganda wala ng gaganda pa bumalik ka na lang kayo rito para mas mapabilis ang proseso sa kaso mabilis ang pagkakulong niitong dalawa, ok Sir? tutulungan ka namin para makauwi rito. Gagawin ko lahat makauwi ka rito , ok Sir?

Laking pasasalamat ni Nilo kay Idol Raffy sa tulong na ibinigay nito at nasolusyunan ang kanyang matagal na pag-iisip dulot ng kanyang asawang si Ivy at ng kalaguyo nitong si Junjun.

Panoorin rito ang buong kwento:

Source: Raffy Tulfo in Action

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: