Press "Enter" to skip to content

Tanduay Distillers Inc. Naglabas Ng Babala Tungkol Sa Kumakalat Na Recipe For Disinfectant Gamit Ang Kanilang Rhum

Kamakailan, may lumabas na video kung saan ipinapakita kung paano gumawa ng improvised disinfectant. Ayon sa nasa video, kapag pinaghalo ang tanduay rhum at bleach, hand sanitzer ay makakagawa ka ng sariling santizer.

Babala

Nang dahil sa naturang video post, na alarma ang Tanduay Distillers Inc. Agad silang naglabas ng opisyal na pahayag ukol dito.

Tanduay Distillers Inc. Naglabas Ng Babala Tungkol Sa Kumakalat Na Recipe For Disinfectant Gamit Ang Kanilang Rhum 2

Ayon sa Tanduay Distillers, Inc., mahigpit nilang ipinapayo na hindi pwedeng gawing alcohol ang magkakahalong kemikal at Tanduay Rhum. Sa paglilinaw, ang naturang mga kamikal na ito kapag pinaghalu-halo, ay hindi makagawa ng isang viable disinfectant katulad ng achohol na napatunayang panlaban sa COVID-19 na virus.

Karagdagang Paglilinaw

Sa karagdagang paglilinaw ng Tanduay Distillers. Kabaligtaran ang maaaring idulot nito. Ito ay maaring magresulta ng malubhang pinsala sa kalusugan ng mga tao. Samakatuwid ay hindi ito dapat subukan.

Humiling ang naturang distillers sa publiko at sa may kinalaman sa nilalaman ng naturang viral video sa fb, na gumamit ng mas mahusay at mabisang impormasyon o mga pamamaraan. Ito ay para sa kaligtasan ng lahat.

Narito ang kabuuan ng nasabing video:

Guys pwede na kayo gumawa ng alcohol. Ang galing ni kuya…may pang hand sanitizer na cya.

Posted by Zsanikka Lavina Lozada on Monday, March 23, 2020

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: