Press "Enter" to skip to content

Tapat Na Ginang Sa Cotabato, Nagsauli Ng Dobleng Ayuda Mula Sa Social Amelioration Program

Isang ginang sa Cotabato City ang nagsauli ng pera bigay sa kanya ng DSWD mula sa Social Amelioration Program (SAP). Ito ay dahil mag dodoble na umano ang kanyang ayuda kung tatanggapin pa niya ito.

Social Amelioration Program

Ang ginang ay kinilala sa pangalang Whendy Pido, 28 taong gulang, at residente ng Antipas, North Cotabato. Ayon sa kanya, noong una ay inakala niyang ilang linggo lamang ang itatagal ng Enhanced Communiy Quarantine (ECQ) subalit umaabot na ito ng mahigit isang buwan na ngayon. Kung kaya naman hindi birong pagtitipid ang dapat gawin.

Tapat Na Ginang Sa Cotabato, Nagsauli Ng Dobleng Ayuda Mula Sa Social Amelioration Program 2

Isa siya sa mga residente sa kanilang lugar na mapalad na nabigyan ng ayuda mula sa SAP. Nagkakahalaga ng P5,000 ang ayudang natanggap base na rin sa minimum wage sa kanilang lugar.

Dobleng ayuda

Ngunit makaraan matanggap ni Whendy ay nalaman niyang nakatanggap din ang kanyang asawa. Kasalukuyang nasa kabilang barangay ang kanyang mister kung kaya naman dalawa silang nakatanggap ng ayuda mula sa magkaibang barangay.

Tapat Na Ginang Sa Cotabato, Nagsauli Ng Dobleng Ayuda Mula Sa Social Amelioration Program 3

Nang malaman niya ito ay nagdesisyon siya agad na isauli ang pera sa DSWD. Aniya, magdodoble ang kanyang ayuda kung tatanggapin pa niya ang bigay sa kanya.

Katapatan

Aniya, kung tatanggapin niya ang sobrang pera, ay kawawa naman ang iba pa na mas higit na nangangailangan. Naisip rin niya na maaari siyang makulong kung hindi niya ito isasauli. Nagpapasalamat din siya sa pangulo dahil sa tulong at pagdamay nito sa mga mamamayan. 

Tapat Na Ginang Sa Cotabato, Nagsauli Ng Dobleng Ayuda Mula Sa Social Amelioration Program 4

“Kusa ko pong binalik  yung perang naibigay sa akin ng mga taga-barangay mula sa Social Amelioration Program sa kadahilanang nabigyan na po ang aking asawa na nasa kabilang barangay. Mas kailangan ito ng iba pang higit na nangangailangan dulot ng COVID-19 krisis sa aming barangay.”

“Hindi ko po tinanggap dahil dodoble na ang aming matatanggap na ayuda at alam ko po na maaari kaming makulong hinggil dito.”

Panawagan

Panawagan rin niya, kung sino man ang matulad sa kanya na doble ang nakuhang ayuda ay kung maaari ay isauli din nila. Aniya, hindi maganda na makatanggap ng doble habang marami ang walang wala sa buhay.

Isang mabuting ehemplo ang katapatan ni Whendy. Sana ay magsilbi itong inspirasyon sa ating lahat upang sundan ang kanyang kabutihan.

Source: DSWD XII

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: