Press "Enter" to skip to content

“Tapos Na Yun Ha”: Pastor Quiboloy, Handa Ng Makipagbati Kay Vice Ganda?

Tila nag-iba ang ihip ng hangin sa pananaw ng religious leader na si Pastor Quiboloy sa sitwasyon ngayon ng aktor na si Vice Ganda. Ito ay matapos magpahayag ng tila pakikipagbati nito sa It’s Showtime host.

Lesson learned

Sabi niya sa mga tagasunod ng religious group na Kingdom of Jesus Christ, The Name Above Every Name Inc., ipagdasal si Vice at lahat ng naapektuhan sa naging pagsasara ng Kapamilya Network.

“Tapos Na Yun Ha”: Pastor Quiboloy, Handa Ng Makipagbati Kay Vice Ganda? 2

Aniya, “Well, natapos na yun, ‘no, at nangyari na ‘yung nangyari. I think naka learn na rin ng lesson si Vice sa pangyayari,”

Dagdag pa niya, “Ngayong nandyan sila sa sitwasyong ganyan, huwag na nating ipagdiinan sila. Ang dapat nating gawin ay idalangin si Vice Ganda at ang kanyang mga kasamahan.”

Pastor Quiboloy vs. Vice Ganda

Matatandaan na nagsimula ang sigalot sa pagitan ng pastor at ni Vice ng hamunin ni Vice si Pastor Quiboloy na pahintuin ang traffic sa EDSA at ang programang Ang Probisyano. Ang hamon ay idineklara niya sa kalagitnaan ng pag-ere ng programa niyang It’s Showtime.

“Tapos Na Yun Ha”: Pastor Quiboloy, Handa Ng Makipagbati Kay Vice Ganda? 3

Hindi naging maganda ang dating nito kay Pastor Quiboloy at agad na tinanggap ang hamon. Ani Pastor Quiboloy, baka hindi lang ang Ang probinsyano ang tumigil sa ere kundi maging ang ABS-CBN mismo.

Pagsasara ng ABS-CBN

Ilang buwan lamang ay natupad nga ang hamon ni Vice ng utusan ng National Telecommunications Commission o NTC ang nasabing network na mag off-air na dahil palso na ang kanilang prangkisa.

Natuluyan pa itong magsara ng magdesisyon ang Kamara sa pamamagitan ng 70-11 votes na nagsasabi na hindi na bibigyan ng panibagong 25 taon prangkisa ang ABS-CBN.

Pagkikipagbati ni Pastor Quiboloy

Dahil dito, hindi maiwasan malungkot at maiyak ng maraming empleyado ng nasabing network dahil nawalan sila ng trabaho. Nauunawaan umano ni Pastor Quiboloy ang damdamin ng mga empleyado, kung kaya naman ipadarasal umano niya ang mga ito.

Aniya, “Kababayan din natin ‘yan… Na kung sila ay nasa karanasang ganyang nangyari sa kanila, hindi na maaring idiin natin sa lupa ang nalugmok na, kundi tayo ay umangat.”

Nagpahayag din ito ng tila pagtatapos nito sa alitan at parinigan nila ni Vice Ganda. Aniya, “Tapos na ‘yun ha, wag na nating pag-usapan ‘yun.”

Source: MSN Entertainment

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: