Press "Enter" to skip to content

Tatay Elmer Ng Piston 6, Hindi Pa Din Makakalaya

Nananatiling nakakulong si Tatay Elmer Cordero, 72, habang ang apat sa anim niyang kasama na nagprotesta ay napalaya na nooong Lunes, Hunyo 8.

Animo’y naluray ang puso

Sa isang interview ng ANC, inilahad ng abogado ng anim na jeepney drayber na si Vicente Jaime Topacio, kung gaano kalungkot si Cordero sa nangyari. Umaasa pa naman ito na makalaya subalit matapos makitaan ng hit sa record ang matanda pati ang isa pa nitong kasama na si Wilson Ramilla, napilitan sila na ipagpaliban ang verification nito sapagkat maaaring maunsyami ang paglaya ng apat pa nilang kasamahan kapag inabot pa ito ng pagsasara ng opisina.

Tatay Elmer Ng Piston 6, Hindi Pa Din Makakalaya 2
Photo Credits: ABS CBN News

Napag-alamang may kaso ng estafa na isinampa kay Cordero noong 2002 dahil sa hindi ito nakabayad sa upa habang si Ramilla naman ay may kaso ng carjacking.

Protesta upang makabalik pasada

Matatandaan na ang anim na jeepney drayber ay nagsagawa ng protesta sa EDSA, noong June 2 upang manawagan sa pamahalaan upang makabalik na sa pagpasada. Inaresto sila ng Northern Police District dahil sa kanilang paglabag sa physical distancing protocol at dahil din sa di umano’y panlalaban sa awtoridad.

Bayanihan Ng Mga Pinoy

Idinagdagdag ni Topacio na napanghinaan man ng loob si Tatay Elmer, humuhugot ito ng motibasyon sa bayanihan ng mga tao upang makatulong sa paglikom ng piyansa para sa kanila.

Tatay Elmer Ng Piston 6, Hindi Pa Din Makakalaya 3
Photo Credits: Anagon’s Blog

Ilang politiko at artista ang nagpaabot ng pinansyal na tulong ngunit nabubuhayan lalo sila sa mga ordinatyong taong nagpapaabot ng tulong halaga man itong P20 o P50.

Kondisyon Sa Kulungan

Sa parehong panayam ay ikinuwento ng abugado ang panganib ng pagkakasakit ng mga taong nasa kulungan. Bukod daw kasi sa mainit , kawalan ng matinong bentilasyon at maayos na paliguan, nalalabag din nang pagkakapiit ang protocol ng physical distancing.

Tatay Elmer Ng Piston 6, Hindi Pa Din Makakalaya 4
Photo Credits: ABS CBN News

Maging ang mga bisita at abugadong gaya niya ay hindi ligtas sa banta ng COVID-19 sa ganitong uri ng sitwasyon sa kulungan.

Mahina Ang Kaso Laban Sa Mga Drayber

Tiwala naman si Topacio na maipapabasura nila ang kaso at nanawagang bigyan ng kabuhayan ang mga jeepney drayber sapagkat marami na sa mga ito ay nanlilimos na.

The case has no basis. It has no legal leg to stand on.

Tatay Elmer Ng Piston 6, Hindi Pa Din Makakalaya 5
Photo Credits: InterAksyon

Dagdag din niya na mahinahong sumama ang anim na drayber ng sila ay inimbitahan ng awtoridad. Iginiit niya na ang 20 pang kasama sa protesta ay mapayapang nagdisperse at walang panlalaban sa mga pulis na naganap.

Kahit pa nga daw pagbasehan ang edad at pangangatawan ng anim na tsuper, hindi posible na magkaroon ito ng kakayanan na makipagbuno sa mga pulis na may matitipunong katawan dahil ito’y matatanda na’t di hamak na mahihina.

Source: ABS CBN News

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: