Press "Enter" to skip to content

Tatay Elmer ng Piston 6, Nagpasalamat Sa Tulong ni Angel Locsin Habang Sila Ay Nakakulong

Nagpaabot ng pagpapasalamat si Tatay Elmer Cordero, 72, sa aktres na si Angel Locsin sa mga ipinaabot nitong tulong sa kanila matapos ang halos isang linggong pagkakapiit nito dahil sa kilos protestang isinagawa nila ng iba pang kasamahan sa Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operator Nationwide (Piston) noong June 2 sa Lungsod ng Caloocan.

Abot Langit Na Pasasalamat

Sa isang video na ipinost sa social media ng netizen na si @joshualibarnes noong June 9, ipiniabot ni Tatay Elmer ang pagpapasalamat sa aktres sa suporta nito maging ang mga ipinadalang vitamins, alcohol at iba pang mga essentials.

Maraming salamat Angel Locsin sa lahat ng itinutulong mo sa aming suporta sa loob ng kulungan pati ‘yung gamot tsaka alcohol. Lahat kumpleto, lahat ng mga tulong mo, maraming maraming salamat.

Halos Isang Linggo Nakulong

Nakalaya ang 72-taong gulang na tsuper matapos makapagpiyansa ng P10,000 kasunod ng utos ni Judge Gloria Santos ng Caloocan City Metropolitan Trial Court Branch 51.

Matatandaan na apat sa kanilang anim ay nauna nang nakalaya noong June 8 matapos makalikom ng pondo para ipangpiyansa ngunit naiwan muna sa piitan sina Cordero at Wilson Ramilla dahil sa mga nakabinbin pang mga kaso.

Tatay Elmer ng Piston 6, Nagpasalamat Sa Tulong ni Angel Locsin Habang Sila Ay Nakakulong 3
Photo Credits: ABS CBN News

Ang anim ay nakulong dahil sa paglabag sa health guidelines protocol na physical distancing at panlalaban daw sa awtoridad noon June 2 nang dalhin nila sa EDSA ang panawagang pabalikin na sila sa pagpapasada.

Nananatiling bawal ang pagbiyahe ng mga jeepney sa ilalim ng General Community Quarantine guidelines.

Suporta Ng Mga Celebrities

Lingid sa kaalaman ng marami, nagpaabot ng tulong si Angel kasama na din si Bea Alonzo sa pamamagitan ng non-profit organization ni Bea na I AM HOPE. Pinili na lamang nila na huwag isapubliko ang ginawang suporta.

Tatay Elmer ng Piston 6, Nagpasalamat Sa Tulong ni Angel Locsin Habang Sila Ay Nakakulong 4
Photo Credits: ABS-CBN

Isa naman si Jodi Sta. Maria sa mga aktibong nagpakita ng suporta online sa anim na mga tsuper, particular na kay Tatay Elmer:

Panawagan Para Sa Mga Donasyon

Patuloy pa din ang panawagan ng Piston para sa mga donasyong ipapamahagi hindi lamang sa anim ngunit para din sa iba pang mga tsuper na patuloy na naghihirap sa panahon ng pandemya.

Source: ABS-CBN Push

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: