Press "Enter" to skip to content

Tatay Na Maysakit, Pinagsamantalahan Ng Mga Scammer Sa Social Media!

Isang ama na maysakit ang nanawagan para humingi nang tulong sa ating mga kababayan at napag-alaman na ginamit siya nang ibang mapagsamantalang tao para magkapera.

Kailangan ng operasyon

Isang tatay na ngngangalang Rediemar Villanueva ang humihingi ng tulong dahil siya ay nangangailangan na maoperahan. Siya ay naoperahan sa esophagus o sa kanyang lalamunan kung kaya ang kanyang pagkain ay dumadaan deretso sa kanyang tiyan.

Tatay Na Maysakit, Pinagsamantalahan Ng Mga Scammer Sa Social Media! 1

Nangangailangan pa nang isang operasyon si tatay kaya kailangan niya magpataba sabi nang kanyang doctor sa PGH na si Dr. Abel Ramos.

Kaawa-awang tatay

Sa FB post ng netizen na si Alfredo Maluyo Jr. makikita ang tatlong litrato ni Tatay Rediemar nakaupo sa gilid ng daan. Ito ay payat na payat at may tubo na nakasabit sa kanyang tyan. Makikita sa mga litarato na may hawak siyang tubo na may laman na dilaw na likido.

Tatay Na Maysakit, Pinagsamantalahan Ng Mga Scammer Sa Social Media! 2

Kailangan ni Tatay ng likidong pagkain para sa kanyang nutrisyon. At ayon sa kanya gatas na Ensure ang nirekomenda ng doktor.

Lumalaban para sa mga anak

Ayon kay Tatay Rediemar siya ay wala nang asawa at may maliliit na mga anak kaya kailangan niyang lumaban. Humihingi siya nang tulong para may pambili nang Ensure dahil ito ay napakamahal na uri nang gatas.

Maysakit na niloko pa

Ayon sa post ni Alfredo Maluyo Jr. humunigi siya nang pahintulot kay tatay na ilagay sa FB ang litrato niya para maging viral ngunit ayon kay Tatay marami na daw ang nag alok sa kanya nang tulong gamit ang FB ngunit walang tulong ang dumating sa kanya.

Noong Disyembre daw pinabasa pa sa kanya ng kanyang kapitbahay na maraming nagpaabot nang tulong pero di nakarating sa kanya. Niloko lang siya at ginamit nang mga mapagsamantalang tao.

Tulong mula sa puso

Nakikiusap naman si Alfredo Maluyo Jr. na kung sino ang gustong tumulong mas maigi na puntahan lamang si Tatay Rediemar sa tapat ng Supreme Court lunes hanggang biyernes para personal na makita si Tatay at maiabot sa kanya ang taos-pusong tulong. Pera man o gatas ito ay malaking tulong na rin kay tatay Rediemar.

Source: Facebook Alfredo Maluyo Jr.

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: