Press "Enter" to skip to content

Tatay Na Palaboy, Nakatanggap Ng Munting Handog Mula Sa McDo At Sa Netizen

Pampanga, Philippines – Isang concerned citizen ang nag post sa social media matapos niyang makita ang isang lalake na nanginginig sa gutom at nag order lamang ng kanin at tubig para maibsan ang gutom nito.

Na-ispatan si Manong

Ayon sa post ni Earl Calixtro, habang siya ay kumakain ng kaniyang lunch sa McDo ay nakita niya si Tatay na pumasok at nag order. Ngunit laking gulat nito matapos niyang makita na ang inorder lamang ng matanda ay isang supot ng kanin at service water.

Ani ni Earl,

“Kanina napadpad ako sa Pampanga. Nag lunch ako sa McDonald’s near SM. Si Tatay pumasok then umorder. After nun naupo sya malapit sa table ko. Pagdating nung order nya. 1 cup of rice and water lng. Kinakain nya rice lang.”

Tatay Na Palaboy, Nakatanggap Ng Munting Handog Mula Sa McDo At Sa Netizen 2

Ayon kay Earl, nilapitan niya si Tatay para mag tanong kung gusto niya pa ng makakain at sinagot naman ito ni Tatay ng walang pag aatubuli.

Sabi ni Tatay,

“Oo kasi nagugutom pa ako. Kulang ang pera ko kaya umorder lamang ako ng kanin at tubig.”

Tulong ki Tatay

Kaya naman hindi na nag atubili pa si Earl at pumunta ito sa cashier para bilhan ng makakain ang matanda. Ngunit sa kaniyang pag balik sa Mesa, laking gulat niya na lamang na may isang crew na lumapit ki Tatay at Binigyan siya ng chicken fillet.

Tatay Na Palaboy, Nakatanggap Ng Munting Handog Mula Sa McDo At Sa Netizen 3

Ani ni Earl,

“Nilapitan ko si Tatay tinanong ko kung gusto pa nya ng makakain. Oo daw kasi nagugutom sya pero kulang pera nya. So inorder ko sya ng makakain. Pagbalik ko sa table nya may chicken fillet na. Binigay nung crew.”

Nagpasalamat din Earl sa buong staff at crew ng McDonald’s San Fernando na malapit sa SM dahil sa kabutihang ipinakita nito kay Tatay. Sa gitna ng pandemya, nananig pa din ang mabubuting puso, Sambit ni Earl.

Maiksing panayam ki Tatay

Ayon kay Earl, kaniyang kinausap si Tatay para ma hingi ang kaunting impormasyon kung taga saan ito at kung ano ang kaniyang pangalan.

Tatay Na Palaboy, Nakatanggap Ng Munting Handog Mula Sa McDo At Sa Netizen 4

Aniya,

“Kinausap ko sya sandali pero hindi ko sya maintindihan masyado kasi sobrang nanginginig sya. Siguro sa sobrang gutom. Plus hirap na din sya magsalita. Ang nakuha ko lang na information is taga TACLOBAN daw sya. Napunta lang sya sa Pampanga para humanap ng work.”

Dagdag pa ni Earl, dahil sa may nakakain na si Tatay ng sila ay nag uusap, minabuti na lamang nitong ipa-take out ang kaniyang inorder sa matanda para ito ay may makain mamaya sa daan.

Sa pagsasalaysay pa ni Earl, nasabi sa kaniya ni Tatay na siya ay inabutan ng lockdown kaya wala siyang nakuha na trabaho at wala din matutuluyan. Nanawagan din ito sa publiko na sana ay matulungan si Tatay.

Sambit nito,

“Sa kasamaang palad inabutan siguro ng lockdown. Sa mga may kakilala sa Tacloban baka po nakikilala nyo si Tatay. At sa iba pang gustong tumulong. Sana makauwi na sya sa kanila.”

Dagdag pa ni Earl,

“Kahit ano man pong pagsubok ang pinag dadaanan nating lahat ngayon. Nakaka angat ka man sa buhay or simpleng mamamayan ka lang. Gawin mong tumulong sa kapwa mo lalo na dun sa mga nangangailangan talaga. Promise ang sarap sa pakiramdaman. Ingat tayong lahat. Matatapos din tong pandemic na to. God bless.”

Umaasa naman si Earl na matulungan si Tatay at maging dahilan ang kaniyang post para ma-rescue ito ng kinauukulan.

Source: Earl Achievan Calixtro

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: