Press "Enter" to skip to content

Tatlong Araw Na Sahod Lang Ang Ibinigay Kaya Napilitan Maglakad Ang 7 Na Workers

Sa pagputok ng balita na magkakaroon ng lockdown ang Metro Manila bunsod ng pagkakaroon ng positibong kaso ng coronavirus ay maraming uring manggagawa ang higit na naapektuhan. Ilan sa mga ito ay ang mga construction workers na napilitan umuwi sa kanilang mga probinsya matapos magsara ang mga site na pinagtatrabahuan bunsod ng enhanced community quarantine.

Mahabang paglalakbay

Tatlong Araw Na Sahod Lang Ang Ibinigay Kaya Napilitan Maglakad Ang 7 Na Workers 2

Viral ang post ng netizen na si Venus Angelie Loren-Bayonla Cabarles nang ibahagi nito ang istorya ng pitong construction workers na napilitan umano na umuwi sa kanilang probinsya sa Tacloban matapos magsara ang site na pinagtatrabahuan. Noong Byernes ay namataan ang mga itong nagpapahinga sa Salvacion Tunasan, Muntinlupa. Ayon pa kay Venus, ang mga ito ay nagmula pa sa Valenzuela at pauwi ng Tacloban. Iniwan umano sila ng kanilang engineer matapos ianunsyo ang lockdown sa Metro Manila.

Ayon pa sa netizen, may dala dala ang mga ito na kanilang mga gamit at sa daan nalang kumakain kung kailan abutan sila ng gutom. Sa pagkabahalang hindi sapat ang pagkain ng mga construction worker ay nagbigay tulong si Venus na pamahagian ng kakaunting tulong ang mga ito, dalawang plastik ng biskwit.

Bigyan ng tulong

Isa rin sa mga nakakabahala ay may mga kasama pang matatanda ang grupo. Hiling nito sa mga kabahayan na madadaanan ng mga kaawa-awang workers ay bahaginan sila ng tulong.

“Sa madadaanan nilang mga lugar sa knilang paglalakbay sana ay pansinin din sila ng mga bahay bahay o tindahan na hihingian nila ng tulong.😢”

Hangad din nito ay ligtas na makauwi ang mga ito sa kanilang mga pamilya sa probinsya. Inusig din nito ang mga netizen na ishare ang post upang mabigyan ng kaukulang tulong ang mga worker.

3 araw na sahod

Dagdag pa sa nakakakalungkot na kalagayan ng mga ito ay tatlong araw lamang na umanong sahod ang binigay ng kanilang engineer. Para sa update,

“Sobrang mrameng salamat po sa mga nag share…may nbasa ako nakontak na daw po ang mayor ng lugar nila.Sana po talaga ng matulungan silang mkauwi.”

“Lets continue praying for them🙏”

Source: Facebook Venus Angelie Loren-Bayonla Cabarles

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: