Press "Enter" to skip to content

Tatlong Batang Nagbalik Ng Pera, Tinaguriang Mga “Good Samaritans”

Tatlong batang lalaki ang kinakitaan ng katapatan nang ibinalik nila ang nakita nilang pera sa pulis at sila ay binansagang “good samaritans” ng Philippine National Police o PNP.

Ang kabutihang-loob

Kumalat ang balita sa social media tungkol sa tatlong bata na nagsauli ng pera. Maraming netizens ang natuwa sa mga bata.

Ang nawawalang pera, ayon sa Facebook post ng Philippine Star noong ika-7 ng Hunyo, ay nakalagay sa isang belt bag na ini-report na nawawala. Ayon sa pulis, bigla na lang may nagsauli ng belt bag na ito at ang tatlong batang ito ang nagsauli. Ang belt bag na naglalaman ng pera ay nakita sa Paypay, Poblacion sa Hingyon, Ifugao.

Tatlong Batang Nagbalik Ng Pera, Tinaguriang Mga  "Good Samaritans" 2
Photo credit: Google Map

Ayon sa pulis:

“A lost belt bag containing cash found along Paypay, Poblacion, Hingyon, Ifugao was turned over to this office by these three good Samaritans,”

Police precinct spokesperson

(May nawawalang belt bag na naglalaman ng pera ang nakita sa may Paypay, Poblacion, Hingyon, Ifugao ang ibinalik sa aming opisina nitong tatlong good Samaritans.)

Ang mga “good samaritans”

Ang kabayanihang ito ay ginawa ng tatlong batang taga-Ifugao. Ang pangalan ng mga bata, ayon sa report, ay sina Dexter Lagmon, Bryson Dagumay, at Zaijan Dagumay. Ang mga batang ito ay nakatira din sa Poblacion, Hingyon, Ifugao.

Tatlong Batang Nagbalik Ng Pera, Tinaguriang Mga  "Good Samaritans" 3
Photo credit: Philippine Star Facebook page

Dagdag ng pulis:

Thanks to these little but responsible kids of Poblacion. God bless you a thousandfold,” 

Police precinct spokesperson

(Salamat dito sa mga maliit ngunit responsableng bata ng Poblacion. Pagpalain kayo ng Diyos ng makalibong-daan.)

Umaatikabong reaksiyon sa social media

Umani ng papuri ang tatlong bata sa social media. Sa Facebook page ng Philippine Star na naglalaman ng report, mayroon nang higit sa isang libong reaksyon na “like”, “heart”, at iba pang emojis ang post.

Tatlong Batang Nagbalik Ng Pera, Tinaguriang Mga  "Good Samaritans" 4

Marami ang nagpaabot ng dagdag na pagpapala para sa mga bata, ayon sa comments sa Facebook page ng Philippine Star. Mayroon din nagsabing mababait ang mga bata. Ang iba ay nagsabing ipinagmamalaki nila ang mga bata.

Sources: Philippine Star Facebook page

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: