Press "Enter" to skip to content

Tatlong OFW humihingi ng tulong matapos pagbantaan ng Saudi Embassy

Hail, Saudi Arabia – Isang live video ngayon ang nagvaviral sa mga social media sites. Tatlong kababayan ang nag nanga-ngamba ngayon sa kanilang kalagayan nang pagba-bantaan ng isang nagpanggap na nagta-trabaho sa embassy ng Saudi Arabia. Kasama nito ang manager na Masri ng mga ating mga OFW.

Video laban sa mga Masri

Kamakailan ay nagpost ng video si Jessie Hermoso ang isa sa tatlong lalaki. Makikita rito ang pagpa-palipat at pagma-maltrato sa kanya habang nag+iimpake ng kanyang mga kagamitan.  Ang hinala ni Hermoso ay may nag+translate na kapwa Pinoy ng video sa kanilang employer sa kadahilangang nagpadala sila ng taga embassy upang kausapin po sila.

Ani niya,

“Alam na po ng aming employer na yung video na ginawa namin, so hindi naman po namin alam kung bakit niya nalaman kasi tagalog, so ibig sabihin, may nagta-translate sa kanya na Pilipino. So kami po ay doble ingat sa ginagawa po namin.”

Nasabi nila sa kanilang nakaraang video na hindi pa sila sumasahod ng tatlong buwan at labis -labis na magma-maltrato ang kanilang inabot sa kanilang employer. Kasama narin dito ang pangga-gatong ng kanilang manager na Masri sa kanilang employer.

Pangamba

Makikita ang bakas ng pangamba sa mukha ng ating mga kababayan habang ibina-bahagi ang nangyaring pagbisita. Sila ay napagbantaang makukulong kung ayaw daw nilang mag-transfer sa ibang company o di kaya mag-stay nalang sa pinagta-trabahuang restaurant kung saan sila ay nama-maltrato o di kaya’y magbayad nalang daw sila ng 20,000 Saudi Riyal o almost 250,000 PHP.

Tatlong OFW humihingi ng tulong matapos pagbantaan ng Saudi Embassy 2
Photo Source: Facebook – Jeck Runo

Dagdag pa ni Hermoso,

“Kaya po kami nag-live ngayon. Kung sakaling di niyo po kami ma-contact kinabukasan o sa susunod na araw. O Di kami naka-online. Nakalagay po sa details sa aking pinost before which is nasa police station na po kami o nasa kulungan na po kami o kinuha na po kami kung sino man po na tauhan ng aming amo.”

Sa labis na pagka-bahala ay nahi-hirapan sa pagtulog ang ating mga kababayan. Tinitiis nalang daw nila ang ganitong sitwasyon dahil may umaasa din daw sa kanila sa Pilipinas.

Pagka-kakulong at pagpapalya

Labis na kahirapan ang dinadanas ng ating mga kababayan sa kamay ng kanilang amo. Ang isang kasamahan nila ay nakulong sa napaka-babaw na dahilan at napalaya din lamang sa kadahilanang hindi mapatunayan ng kanilang amo ang kanyang paratang.

dagdag pa niya,

“Alam niyo po yung amo namin. Sala sa init, sala sa lamig. Di niya po kami pina-paniwalaan. yung mga ibang lahi po o yung mga Masri ang kanyang pina-paniwalaan. Dumating na po sa punto na minura na niya ako, kung ano-anong sinabi sakin na masakit.”

Bagama’t sila ay napagma-malupitan at nama-maltrato ng kanilang manager na Masri at employer ay may mga kababayan parin na nagpa-paabot ng tulong at nagbibigay sa kanila ng relief goods at pagbibigay ng load para sa kanilang pag-contact sa kanilang mga kapamilya at pag-live video.

Live Video

Sa sobrang pagka-bahala bagama’t nahihiya ay tinahak ng ating mga kababayan ang mag-live video para humingi ng tulong dahil sa gusto pa nilang mabuhay at tuparin ang kanilang mga pangarap sa buhay. Ito nalang ang kanilang natitirang pag-asa para may makatulong sa kanila at maipa-abot ang kanilang hinaing. Hinihingi nilang ishare natin ang video.

Tatlong OFW humihingi ng tulong matapos pagbantaan ng Saudi Embassy 3
Photo Source: Facebook – Jeck Runo

Hini-hiling rin nila sa kanilang agency sa Pilipinas na umaksyon o magbigay ng iba pang solusyon sa kanilang pinagda-daanan ngayon.

Ani nila,

“Sana naman ay tulungan naman kaming maka-uwi. Ang sabi po sa amin eh awaiting nalang daw sa POLO. Sana po kahit makaalis lang po kami dito sa bahay o may tuluyan po kami na safe po talaga yung doon po kami mapa-panatag.“

Napakabigat umano ng kanilang pakiramdam na hindi nila alam kung ano ang posibleng mangyari sa kanilang pag-gising, o sa kinabukasan. Labis silang nahi-hirapan dahil hindi nila malaman kung paano at ano-ano pa ang pwede nilang maging gawin at kakaharapin.

Tunghayan dito ang kanilang saloobin: Facebook – Jeck Runo

Sana po may mka tulong po saamin dito kase hinde napo nmin alm gagawen namin..Contact Info:+966571048611Address: 2973, An Nuqra Hail, Saudi Arabia. Contact Person in Ph incase of emergency: Gemma Hermoso+639495887161#raffyTulfoinAction#erwinTulfo●Please Share

Posted by Jeck Runo on Thursday, June 11, 2020

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: