Press "Enter" to skip to content

Tauhan Ng Caingin VM, Nanigaw Ng “Patay Gutom” Sa Mga Residente?

Isang netizen ang naglabas ng kanyang saloobin sa isang tauhan ni Caingin Vice Mayor JJS Santiago. Ayon sa Facebook post ni Danmarc Majaba, tinawag daw kasi silang “patay gutom” ng nasabing staff.

Ang nangyari

Hindi maitago ni Danmarc ang kanyang sama ng loob sa nangyari habang siya’y kumukuha ng relief goods. Sinabihan ba naman kasi daw siyang patay gutom dahil lang sa paghingi ng ayuda na para naman talaga sa mamamayan ng Caingin .

Tauhan Ng Caingin VM, Nanigaw Ng "Patay Gutom" Sa Mga Residente? 2

“Bihira po kami humingi ng tulong sa Gobyerno. Pero bakit naman po ganon. Kelangan pa po ba namin makatanggap ng mga masasakit na salita para lang makatanggap ng tulong mula sa mga tauhan ninyo, Vice Mayor JJS?” tanong ni Danmarc.

Dalawang pamilya

Ayon sa kanya, hindi daw sila nabahagian ng relief goods sapagkat ang nabigyan lang nila vice mayor ay ang pamilya ng kanyang asawa na nakatira sa kabilang parte ng kanilang tahanan.

“Hati po ang bahay namin dito sa Caingin, yung kabilang bahay po namin doon nakatira yung pamilya ng asawa ko. Tapos sa kabila po kami ang nakatira,” paglilinaw niya.

Paghihinala

Ito’y maayos naman daw niyang ipinaliwanag sa nasabing staff. Ngunit imbes na ayuda ang ibigay sa kanya, masasakit at mapang-insulto na mga salita ang kanyang natanggap.

“Grabe ka naman po makapagsalita sa mga kababayan mo! Kung hindi lang po ako nahinto ng pagtatrabaho hindi po ako humingi sa inyo. Wag naman po ninyo sanang ipamukha samin na patay gutom kami,” pahayag ni Danmarc sa kung sinuman ang babaeng staff na kanyang nakaharap.

Ang mas nakalulungkot pa nito’y narinig daw ito lahat at binalewala lang ni Vice Mayor JJS.

Ang mga taga barangay

Wala pang pahayag si Vice Mayor JJS ukol dito ngunit kanyang inanyayahan di umano si Danmarc na pumunta sa kanyang bahay upang ito’y mapag-usapan ng mabuti.

Ayon naman sa kanyang mga staff, ang mga pasaring na ito ay walang katotohanan at kung may sama man siya ng loob ay huwag mag atubiling makipag-usap sa kanila upang malinawan ang issue na ito.

Source: Facebook

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: