Press "Enter" to skip to content

Taxi Driver Na Nagtatrabaho Sa Gitna Ng Pagdadalamhati, Nagpaantig Sa Puso Ng Netizens

Isang viral post ngayon ang nagsilbing eye-opener para sa nakararami sa atin. Ang post ng isang netizen na si Joy Chiong ay isang aral na kapupulutan ng aral ng marami.

Huwag manghusga agad

“Do not judge quickly”

Taxi Driver Na Nagtatrabaho Sa Gitna Ng Pagdadalamhati, Nagpaantig Sa Puso Ng Netizens 1

Iyan ang panimulang linya sa post ni Chiong na nagpapaalala na hindi tayo dapat maging mabilis sa paghuhusga. Ibinahagi nito ang karanasan nang sumakay ito ng taxi. Aniya, singhot nang singhot ng sipon ang driver at panay nag pagpunas sa mukha.

Sa pag-aakalang may malalang sipon ito ay aminadong nainis ang netizen dahil buntis ito at naiwan ang mask na syang mahalaga dahil sa banta ng covid-19 sa bansa.

Halos nagiisip ito na sabihin nalang sa driver na buksan nalang ang bintana ng sasakyan upang hindi umikot lang sa loob ng minamaneho nito ang virus na posibleng mula sa sipon.

Ngunit naputol ang lahat ng pagiisip na ito nang may tumawag sa driver at agad nitong sinagot.

Pagdalamhati

Narinig ni Chiong ang driver habang kausap ang nasa kabilang linya na manghiram ng 2,000 pesos at sisikapin na makapag-uwi ng 700 pesos pauwi.

Taxi Driver Na Nagtatrabaho Sa Gitna Ng Pagdadalamhati, Nagpaantig Sa Puso Ng Netizens 2

Ibinahagi ng driver sa pasaherong netizen na noong umaga ng araw na iyon ay pumanaw ang kanyang panganay na anak. Aniya ay nasaksak ito sa Tondo at limang araw nanatili sa ICU ngunit kalaunan ay hindi kinaya.

Dagdag pa rito, ang kanyang 29-anyos nitong anak ay pumasok sa school ngunit napag-tripan habang pauwi.

Condolence, kuya

Nang pababa ng sasakyan ay nagpabatid ng pakikiramay si Joy sa driver na sya namang nagpaalala sakanya na laging magiingat.

Samantala, guilty naman ang naramdaman ng netizen dahil sa pagsusungit nito sa driver na syang may pinagdadaanan naman pala ng araw na iyon.

Buhos ang pakikiramay

Buhos naman ang pagpapabatid na pakikiramay ng mga netizen sa kuya driver. Marami ang naghingi ng atensyon ng Facebook page ng programa ni Idol Raffy upang sakali ay mabigyan ito ng tulong pinansyal na kailangan nito.

Source: Facebook Joy Chiong

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: