Press "Enter" to skip to content

Teacher Ng Maryhill Na Nambatos Sa Presidente, Masisibak Na Nga Ba?

Naglabas na ng opisyal na pahayag ang pamunuan ng Maryhill College, Inc ukol ng Lucena City ukol pambabastos ng isa nilang guro kay President Rodrigo Duterte. Anila, hindi nila tinotolerate ang ginawa ng kanilang guro at makasisiguro ang publiko na ginagawan na nila ito ng aksyon.

Pambabastos sa Presidente

Matatandaan na kailan lang ay nag trending sa social media ang post na larawan ni Laarni Villaluz sa isang group. Ang larawan ay edited na version ng paghalik sa lupa ni Pangulong Duterte. Imbes na sa lupa ay sa pagkain ng aso ito nakayuko na tila kumakain ng dog food na may tatak pa ng kilala brand sa bansa.

Teacher Ng Maryhill Na Nambatos Sa Presidente, Masisibak Na Nga Ba? 2

Dahil dito, bumugso ang galit ng maraming netizen. Ayon sa kanila, labis na ang pangbabastos ni Villaluz sa presidente. Napag-alaman na guro pa ito ng isang catholic school sa Lucena.

Panawagan sa Maryhill College

Ang pagsikat sa maling paraan ni Villaluz ay naging daan upang mahila ang pangalan ng school na kanyang pinapasukan. Ayon sa mga netizen, hindi mabuting ehemplo para sa mga estudyante ang ginawa ni Villaluz. Hindi umano ito marunong rumespeto at hindi ito karapat-dapat na tawaging guro.

Teacher Ng Maryhill Na Nambatos Sa Presidente, Masisibak Na Nga Ba? 3

Kaya naman, dinagsa ng napakaraming panawagan ang pamunuan ng Maryhill mula sa mga galit na netizen. Ayon sa kanilang petisyon, dapat sibakin si Villaluz dahil isa itong kahihiyan ng nasabing catholic school.

Public apology

Agad naman na humingi ng paumanhin si Villaluz sa pamamagitan ng Facebook post. Ayon kay Villaluz, inaamin niyang ang pagkakamaling nagawa. Depensa niya, hindi naman siya ang nag edit ng larawan. Pero dahil pinost niya ito ay alam niyang may kasalanan siya sa nangyari.

Teacher Ng Maryhill Na Nambatos Sa Presidente, Masisibak Na Nga Ba? 4

Pakiusap niya, huwag naman sanang idamay sa galit ng mga netizen ang kanyang pamilya ang eskwelahan na kanyang pinagtatrabahuhan. Ayon sa kanya, labas ang mga ito sa kung ano mang pagkamamali na kanyang nagawa.

Pahayag ng Maryhill

Subalit ang kanyang public apology ay hindi tinanggap ng marami. Lalo pang dumami ang nananawagan na sibakin ang nasabing guro. Dahil dito, naglabas na ng opisyal na pahayag ang nasabing catholic school.

Ayon sa kanila, bilang isang catholic institution, hindi nila hinahayaan ang ganitong aksyon ng kanilang mga empleyado. Ang kanilang pamunuan ay patuloy na pinopromote ang “humility, charity, at respect for person”. Kung kaya naman sinisiguro nila na nabigyan na ng inisyal na aksyon ang nasabing issue.

Sa pahayag ng nasabing catholic school ay hindi naging malinaw kung talagang sinibak na ang guro sa trabaho nito. Kaya naman hanggang ngayon ay patuloy ang panawagan ng maraming netizen. Tila ang pagkasibak lamang nito ang makakaalis ng galit ng mga ito.

Source: Citizen Express

Be First to Comment

Leave a Reply

%d bloggers like this: